Category Archives: public

Para

Limang dipang taong nagtutulakan

Sa limang jeep kasabay ng ulan

Luwag pa sa jeep nang ako’y sumakay

Pero parang sardinas sa simula ng lakbay

Sabi ng kunduktor kasya pa kasya pa

E kahit kalansay indi na kakasya

Pinagpilitan pang isakay si aleng mataba

Akala yata ang jeep ay saksakan ng haba

Pag andar ng jeep ay biglang pepreno

Para magkasya ang mga sakay nito

Pasalamat na lang kay bro nakaupo ako,

Sana may bumaba na kahit jan sa may kanto

“Kuya paabot, paabot ng bayad ko.”

“Eto na ang sukli makikisuyo na o.”

“Paabot ulit ng bayad“ Dyos ko aba dyos ko!

“Ay jesus maria josep ako lang ba may kamay dito?!”

Limang pirasong tao ang bumaba sa may kanto

Kamalas malasan galing sila sa tapat ko.

At wala naman yatang balak, aking mga katabi

Na sa katapat ay lumipat, lahat sila sitting pretty

Kalagitnaan ng biyahe, “Makalipat sa tapat.”

Masama pa ang tingin ng matandang may patpat

Bat di daw paupuin mga matandang gaya niya,

Bakit kaya di mo naisip yan kanina.

“Paabot po ng bayad” sabi ng bading

“Ser yung kamay ko.” Ano to chansing?

“Ay sori kuya, nahawakan ko pala.”

Sabay kindat ng kanyang kirat na mata.

“Kuya paabot ng bayad kay manong,

At nalalaglag ang nabili kong talong”

Sabi ng maggugulay na sa dulo’y nakaupo.

“Eto na ale, ang sukli paabot po.”

Pag baling sa unahan, nakakatakot isipin

Si manong drayber nagtotothpick ng ngipin.

Namboboso sa katabi, ano ba yan nagseselpon

Ang aming sinasakyan daig pa ang nasa alon.

“Kuya sukli o paabot na sa katabi,

Kawawa naman yung nasa dulong ali”

Aba si tita tulog na tulog

Nakasandal sa tindero ng masarap na binatog.

“Kuya bayad p..”

“ILAN BANG NAKASAKAY DITO!!??

Abat kaliwat kanan abutan ng bayad nyo.

Sa kunduktor ba o sa drayber linawin nga maigi

Parang ako lang ata ang umaabot din!!”

“Manong sukli ko paabot na lang kay kuya.”

“Hoy sa lahat ng nagbayad ikaw ang hindi pa!”

Ang kapal ng muka mo sukli agad hinihingi

E upo mo na man nakataas pa ang binti.

Hindi na yata luluwag ang aking sinasakyan

Sa susunod kaya piliin ko na ang van

Ang init ang lagkit ang dami pang katabi,

At least pag sa van ako ang sitting pretty

Sawakas malapit na malapit na akong bumaba

“Kuya bayad mo?” sabi naman nug mama

Sapukin kaya kita nagbayad na ako.

Wala pa ngang sukli aba T*** **a mo

“Ay bumaba ka na toy pasira ka ng negosyo!

Wala ka pang bayad ako pa niloko mo.”

Yanunbg galling nga naman sa dami kong iniabot

Ako pa nga ang walang bayad, ako pa ang lagot.

Ang mahalaga, sa bahay ako ay nakarating na

Sa drayber na lahat ng binayad kong singkwenta

Pagbukas ko ng tv sa balita nakita.

Libre pala ang sakay sa mga jeep na pasada.

Advertisements

AGAPE: Her Gift of Acknowledgement

This should have been written a lot earlier but after some months of delay, it’s done already.

It was summer then and I was alone in the studio waiting for the new students to come and have their pictures taken. This was the least fun part of my work as a student s assistant in the Information technology Center for I have to sit in that little room the whole day until someone arrives. After a few minutes or so, I’m back to talking to myself and listening to Beethoven’s Symphony No. 9 over and over again, it’s the only music installed on the PC I am operating.

I decided to clean up a little when I found a book. I saw that book a few weeks earlier in the office of the author herself. I found out that it was a Biography and I was kind of hesitant to open the book then because after all, it was her office and I was just there to fix her printer.  So seeing the chance to satisfy my curiosity, I browsed through the pages.

Written in glossy paper, I presumed that there were only a few copies of that book, looking at the graphics on the cover, made me think of a regular book with a regular content. I opened it and saw pictures, after a few minutes of browsing something caught my attention… believe it or not, after catching it, it failed to let it go.

"Judging a book by its cover really pays."

"Judging a book by it's cover really pays."

Aside from being a biography, it was also a love story like no other, a love story bound by restrictions and hindrances that the weak of heart dare not to cross. The words I read become realistic scenes at the back of my head as I read along. This was one story different from the others and definitely she was one person different from whom I first knew. From the school personnel who she used to be, calling for help after work hours in Saturdays, she became a favorite personality of mine. From her experiences I was touched, the controversies I was intrigued, her search for herself made me wonder if there are things left to do for her. Yet at the back of all those she still is a daughter to a loving mother and a mother herself to her son.

Finishing the book, I found out that it was morning already. I lipped the book in my bag and hit the bunkers but the excitement is still there. I want to talk to her, ask questions, ask for more stories but how.

A year later I found her on a social network in the internet, added her up and just waited for an opportunity to do some interview. A week later she was online and we were able to have a really short conversation.

I told her my feedback on her book, that I was touched and all but her comments were far more touching. After that she had to go and the next week after she arrived in the Philippines. I saw her on the corridor, greeted her the way I used to and was shocked to know that she remembers me. It was an enlightening experience for me, to be acknowledged like that.

It was nice finally seeing her and meeting her for the first time, even though we have always seen and met each other before.

Up to now, I’m still hoping for that long conversation.

Ninoy

In the midst of all the commotion after Cory’s death and Ninoy’s death Anniversary, I saw a documentary of Ninoy’s Life before a bullet ended it. While watching I noticed that they were using a series of video clips of Ninoy delivering a speech. I presumed that there is an existing whole video footage cover of that speech and tried to look for it on the web.

I was always a fan of Ninoy, his spirit, passion and his love for his fellow people. And in that speech he showed it. He told his fellow people how he lived and how he loved.

I know this is a late topic but you know me, I write what I feel and right now I feel him.

Here is a repost of Ninoy’s speech in words.

Read the rest of this entry

Pakikipamuhay sa bahay at Tindahan ni Nanay Vilma

Kita ko na sa bintana ng sinasakyan naming jeep ang mga senyales na kami ay nasa linang na. Mayroon nang maraming puno, damo, mga baka, kabayo at ang simoy ng hangin ay tila may malamig na pakiramdam kumpara sa lunsod na magdadala ng kulangot sa inyong ilong.

Pagbaba naming ay tumambad ang isang basketball court na pinaliligiran ng mga tao at animoy nagtataka sa pagbaba ng mga kabataang galling sa lunsod. Ako ay nag uli uli at nagtanong tanong, baka sakaling mabawasan ang aking pagtataka sa kahihinatnan naming sa immersion na ito. Malawak ang lugar na iyon ngunit hiwahiwalay ang mga magkakapitbahay, napatunayan ko ito ng kami ay mapa assign sa isang bahay na di kalayuan sa dulo ng Ibabang Talim.

Read the rest of this entry

Mar, Ako Na…

May mga dahilan kung bakit hindi ako masyado makapagsulat tungkol sa pulitika. Hindi naman sa wala ako pakialam, malawak lang kasi ang sakop nito na maaaring hindi ko pa alam at isa pa, hindi pa ako nakakaboto kahit dapat ay botante na ako. Nakakahiya namang magngangawa ng mga bagay na una sa lahat ay dapat ako muna ang gumagawa. Paano ko ipagtatanggol ang karapatan nating mga Pilipino sa pagsusulat kung sa tanging paraan ng pagboto ay hindi ko pa nagagawa.

Kaya nagpasya akong magparehistro na. Ang sabi ng marami ay mahaba daw ang pila, ang ilan siksikan naman daw. Mayroon namang nadalian sa sistema ng pagpaparehistro pero ako, ako talaga ay nainip. Nainip at nabugnot sa kakahintay sa napakahabang pila sa munisipyo.

Dahil nalalapit na ang katapusan ng araw ng pagpaparehistro, dumarami na ang humahabol at nag pasya sila |ang munisipyo| na habaan pa ang oras ng pagpaparehistro hanggang gabi. Kaya pagkalabas namin sa opisina ay deretso na kami doon upang mag fill up ng application form. Dito sa Lucena ako nagpasyang bumoto, dito na rin naman kasi ako nagkamalay at nagka muwang kahit palagi akong nasa Sariaya upang magbakasyon.

Madali lang mag fill up ng form at nang matapos ko na yun ay dinala na ako ng nag isang volunteer sa lugar kung saan kukunan ka ng thumbmark at picture para sa voter’s ID. Ang gana ko sa pagfill up ng form ay bigla na lang naglaho nang makita ko ang sandamakmak na tao na akala ko ay nagkakagulo, yun pala ay naka pila para sa picture taking. Mahaba ang pila na umikot na sa napakahabang building. At kung iisipin ko na ako ang nasa dulo ng pilang ito, gugustuhin ko na talagang umuwi. Hindi pa ako kumakain kasi ang akala ko ay mabilis lang ang registration. Sino ba kasi nagsabi na mabilis lang hay.

Ilang oras pa ang lumipas ay marami na rin ang tao sa likuran ko. At pautay utay ang usad tungo sa opisina kung saan nandoon ang camera. Katapat ko lang pala ang opisina pero kailangan pa umikot ng pila para magkasya sa ilalim ng bubong ng munisipyo. Nakakainip, nakakagutom at nakakaantok mag hintay.

Matapos ang pitong oras na paghihintay ay nasa loob na ako ng opisina.. J Pero sa loob ay may pila pa rin. Maayos na naman, hindi na maingay hindi na mainit. Air conditioned na e. Hindi ko rin naman na napansin ang oras kasi maya maya lang ay ako na ang kuklunan ng picture at thumbprint.

At sa wakas, nakuha ko na ang ,maliit na papel na ibibigay daw para makuha ang ID some time in the not too distant future. Masaya na ko kasi tunay na kong Pilipino na pwede makialam sa pamamalakad ng bansa. Masaya talaga magpa rehistro, yun ay kung dedicated ka. Umuwi ako sa aming dormitory na may ngiti sa mukha kasi pwede na ako magsulat ng kung ano ano. Babawi ako sa eleksyon…

…pramis

…boboto ako

Oo ako na….

Ako na mismo…

Ako na mismo magsisimula…

tie a yellow ribbon for cory aquino

Cory Aquino: My Yellow Ribbon

Cory Aquino: My Yellow Ribbon

After getting tagged by mahalia, i mmediately responded with my own sketch of the former president. I will also support barriosiete’s efforts along with the efforts of every blogger and Filipinos praying for her recovery.

If we Filipinos are worth dying for, we will not wait for death to prove it.

Mabuhay!!

Independence Day Post

This is what I did yesterday while thinking of something to write in relevance with our national independence. Just click it to see the full image.

The pen is always mightier than the sword.

The pen is always mightier than the sword.

Masayang Konklusyon

Dumaraan ang pista sa bayang ito minsan lamang sa isang taon, nagdadala ng iba’t ibang bagay at nagdudulot ng iba’t ibang emosyon sa mga taong nakikilahok dito. May mga nagmumukmok sa bahay, nakikilahok sa mga patimpalak, nanonood, kumakain ng fishball, nakikichismis na lamang sa kanilang kapit-bahay, umiiyak, ngumingiti, tumatawa, nananalo, natatalo, nananaghoy, nagpapapansin at meron din namang ilan na nagsusulat ng mga ganitong bagay upang ilahad sa sambayanang Pilipino ang pyesta ng Lucena sa naiibang paraan.

Read the rest of this entry

Pasayahan? (behind the scenes)

Sa dinami dami ng sakit sa ulo ng Fiesta na ito, may mga kilig moments din naman akong naitago… Mga tagpong hinding hindi malilimutan ng isang batang namimilipit sa tuwa dahil sobra syang in love. Sa mga tagpong ito ako kumukuha ng lakas habang tinitiis ko ang bulong ni Robin Padilla sa aking tenga, ito ang nagpawi sa pagod ko noong Grand Parade at nag alis ng lahat ng stress ko sa laban.

Sino ang tinutukoy ko?

Read the rest of this entry

Pasayahan? (part 4)

“Inuulit nga ba ng kasaysayan ang kanyang sarili?”

O sadyang makulit lang talaga ito. Ipinipilit ang kanyang sarili sa mga tao na ayaw sa kanya, habang hinahanap naman ng mga tao na ayaw nyang pagbigyan.

………………………………………………………………………………………………………..

“Kaya ba tumbasan ng sipag at tiyaga ang natural na talento?”

O patuloy ka lang bibiguin ng mga pagsisikap mo habang namamayagpag sa katanyagan ang ilan na hindi nakaranas ng paghihirap sa kanilang buhay.

………………………………………………………………………………………………………..

“Kaya mo ba hukayin ang malalalim na katanungang ito?”

O gaya ko na ilang araw nang naghuhukay ngunit di pa rin makita ang hinahanap.

………………………………………………………………………………………………………..

Read the rest of this entry