Pakikipamuhay sa bahay at Tindahan ni Nanay Vilma

Kita ko na sa bintana ng sinasakyan naming jeep ang mga senyales na kami ay nasa linang na. Mayroon nang maraming puno, damo, mga baka, kabayo at ang simoy ng hangin ay tila may malamig na pakiramdam kumpara sa lunsod na magdadala ng kulangot sa inyong ilong.

Pagbaba naming ay tumambad ang isang basketball court na pinaliligiran ng mga tao at animoy nagtataka sa pagbaba ng mga kabataang galling sa lunsod. Ako ay nag uli uli at nagtanong tanong, baka sakaling mabawasan ang aking pagtataka sa kahihinatnan naming sa immersion na ito. Malawak ang lugar na iyon ngunit hiwahiwalay ang mga magkakapitbahay, napatunayan ko ito ng kami ay mapa assign sa isang bahay na di kalayuan sa dulo ng Ibabang Talim.

Mainit ang pagtanggap sa amin ng pamilyang pakikipamuhayan namin. May nanay, tatay, tatlong anak isang baboy, tatlong baka, isang aso, isang bilot, labinlimang sisiw, apat na manok, isang tandang , isang pusa, at isang tindahan na punong puno ng mga tinda. Si tatay ay magaling magluto kaya gustuhin man naming na makiluto ay hinayaan na namin siya. Si nanay naman ang laging nasa tindahan at nagbebenta, dun kami lagi tumutulong. Ang tatlo naming kapatid ay nagaaral at naghahalinhinan sa pagbebenta kung wala si nanay, parang mga anak, ganun din ang ginawa namin.

Lumipas ang araw na sa tindahan lamang tumatakbo ang aming pakikipamuhay, pag minsan ay may dumadalaw na iba naming kaklase at nakikipag kwentuhan sa amin. Masaya kaming makatulong sa pamilyang iyon para rin akong umuwi sa aming bahay at tumulong sa tunay kong mga magulang.

Kung tutuusin, ang natirahan kong bahay ay maaari kong sabihin na mas mataas ng kaunti sa antas ng pamumuhay namin. Buti nga sila at may prigider e, may tv at tindahan. Pero kahit nasanay na ako sa gaan ng pamumuhay sa lunsod, sa pakikipamuhay kong iyon ay naalala ko ang paraan ng pamumuhay namin sa aming bayan. Bigla ko tuloy naisipan na umuwi man lang pagkatapos pero hindi pa pwede.

Sa aking nakita sa pamilyang iyon, at sa kanilang mga kapitbahay, hindi alintana sa kanila ang hirap ng buhay. Masaya lang sila sa kung ano ang nagagawa nila at kung anong mayroon ang bawat isa sa kanila. Isang bagay na talagang namangha ako. Naisip ko na wala talagang mahirap na antas na pamumuhay kung kontento na ang tao sa kung ano man ang kalagayan nila. Maghihirap lamang ang knailang kalagayan kung ang ninanais nila ay higit pa sa kung anong mayroon sila.

Sa pagpunta ko sa Ibabang talim, nakita ko na hindi naman sila mahirap, bagkus ay mas mayaman pa sila kaysa sa nakasanayan ko. Mayaman sa aral, kultura, at pagiging kuntento, hindi kayang talunin ng pagkain sa restawran ang sariwang nilupak na kababayo lamang, ang ilaw ng kalsada sa ilaw ng maliwanag na buwan pag gabi, ang kwentuhan sa harap ng alak at pulutan ay hindi matutumbasan ng kwentuhan sa harap ng buong pamilya at kapitbahayan kahit ang pinaguusapan lamang ay kung sino ang mas magaling si Mara o si Clara.

Lahat ng ito, ito ang buhay sa nayon, ang simpleng buhay, buhay na mahirap Makita sa gitna ng material na bagay at karangyaan, ang buhay na mas makapagpapasaya sa buong sangkatauhan, ang buhay na meron kami at muli kong nakita sa aking pakikipamuhay.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on December 18, 2009, in public, social and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: