Sa Riles

Naglalakad ako sa riles na katapat ng aming bahay, kauulan lamang kaya amoy na amoy ang mga basang uray at damo sa mga taniman ng gulay. Maya maya ay tumambad sa akin ang mukha ng pamilyar na mukha ng isang dalaga, maputi, nakangiti, at ako’y tinatawag. Kilala ko sya sahil nakasama ko sya sa opisina, matagal tagal na rin bago ulit kami nagkita at sa sobrang kasabikan a niyakap ko sya at binati. Inimbitahan ko sya sa aming bahay at inalok ng makakain, sya at ang kanyang kasamang dalaga rin. Buong araw kaming nag kwentuhan kasama ng aking pamilya at napakasaya talaga ng aming muling pagkikita.

Nang humupa ang tawanan ay akin syang tinanong, aalis ka pa ba? ang ngiti sa kanyang mukha, hindi man nabura ay nagpahiwatig pa rin ng kalungkutan.

“Kailangan ko pang mag lakbay, marami pa akong dapat gawin at tapusin, nagpaalam lang ako sa iyo.”

Matapos ang mga katagang iyon, siya ay nag ayos, tinawag ang kanyang kasama at nagsimula nang lumakad sa riles kung saan ko siya muling nakita.

itutuloy…

…karugtong

Napansin ko ang kanyang damit na tila iba na sa dati nyang sinusuot. Ang dating madilim na bughaw na belo at palda ay napalitan ng matingkad na bughaw at ang kanyang damit, ngayon ay puti na. Kailangan kong pumunta ng Lucena ngayon pero hindi kami pwede sumakay ng kahit anong sasakyan. Naglalakad lamang kami. Ipag dasal mo kami ha, sige, uuna na kami paalam…

Paalam Sr. Leny

Lumiwanag ang kapaligiran at nakita ko na ang aking sarili sa aking higaan, doo’y nalaman ko na panaginip ang lahat. Pero damang dama ko ang lahat ng pangyayari, ang saya at lungkot na nadama ko ng nakita ko sya. Hindi ko alam kong dapat ko nga ba sya i-text o kung tama ba ang number na itetext ko. Simula ng lumisan sya sa aming paaralan ay hinanap ko na ang alaga at pagmamahal niya sa amin, salamat sa Panginoon at kahit sa panaginip ay nakita ko siya at nayakap.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on November 25, 2009, in emote, love, mga sulat ni bogart, religion and tagged , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Si Sr. Leny po ay naging head ko sa office nung ako ay second year college pa lang dito sa SHC. pagkatapos ng isang semester ay napalipat na po ako ng office papuntang ITC (Information Technology Center) at gayun din naman po siya na napalipat dahil sa ginagawa niyang studies… paminsan minsan na lang siya bumisita at kailan man ay hindi ko pa nasabi kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng pag aalaga, pagmamahal, apagtuturo at pag guide nya sa akin nung handle pa nya ako. sana bumalik sya bago ko grumadweyt.

    bigla ko lang sya namiss siguro hay 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: