Mar, Ako Na…

May mga dahilan kung bakit hindi ako masyado makapagsulat tungkol sa pulitika. Hindi naman sa wala ako pakialam, malawak lang kasi ang sakop nito na maaaring hindi ko pa alam at isa pa, hindi pa ako nakakaboto kahit dapat ay botante na ako. Nakakahiya namang magngangawa ng mga bagay na una sa lahat ay dapat ako muna ang gumagawa. Paano ko ipagtatanggol ang karapatan nating mga Pilipino sa pagsusulat kung sa tanging paraan ng pagboto ay hindi ko pa nagagawa.

Kaya nagpasya akong magparehistro na. Ang sabi ng marami ay mahaba daw ang pila, ang ilan siksikan naman daw. Mayroon namang nadalian sa sistema ng pagpaparehistro pero ako, ako talaga ay nainip. Nainip at nabugnot sa kakahintay sa napakahabang pila sa munisipyo.

Dahil nalalapit na ang katapusan ng araw ng pagpaparehistro, dumarami na ang humahabol at nag pasya sila |ang munisipyo| na habaan pa ang oras ng pagpaparehistro hanggang gabi. Kaya pagkalabas namin sa opisina ay deretso na kami doon upang mag fill up ng application form. Dito sa Lucena ako nagpasyang bumoto, dito na rin naman kasi ako nagkamalay at nagka muwang kahit palagi akong nasa Sariaya upang magbakasyon.

Madali lang mag fill up ng form at nang matapos ko na yun ay dinala na ako ng nag isang volunteer sa lugar kung saan kukunan ka ng thumbmark at picture para sa voter’s ID. Ang gana ko sa pagfill up ng form ay bigla na lang naglaho nang makita ko ang sandamakmak na tao na akala ko ay nagkakagulo, yun pala ay naka pila para sa picture taking. Mahaba ang pila na umikot na sa napakahabang building. At kung iisipin ko na ako ang nasa dulo ng pilang ito, gugustuhin ko na talagang umuwi. Hindi pa ako kumakain kasi ang akala ko ay mabilis lang ang registration. Sino ba kasi nagsabi na mabilis lang hay.

Ilang oras pa ang lumipas ay marami na rin ang tao sa likuran ko. At pautay utay ang usad tungo sa opisina kung saan nandoon ang camera. Katapat ko lang pala ang opisina pero kailangan pa umikot ng pila para magkasya sa ilalim ng bubong ng munisipyo. Nakakainip, nakakagutom at nakakaantok mag hintay.

Matapos ang pitong oras na paghihintay ay nasa loob na ako ng opisina.. J Pero sa loob ay may pila pa rin. Maayos na naman, hindi na maingay hindi na mainit. Air conditioned na e. Hindi ko rin naman na napansin ang oras kasi maya maya lang ay ako na ang kuklunan ng picture at thumbprint.

At sa wakas, nakuha ko na ang ,maliit na papel na ibibigay daw para makuha ang ID some time in the not too distant future. Masaya na ko kasi tunay na kong Pilipino na pwede makialam sa pamamalakad ng bansa. Masaya talaga magpa rehistro, yun ay kung dedicated ka. Umuwi ako sa aming dormitory na may ngiti sa mukha kasi pwede na ako magsulat ng kung ano ano. Babawi ako sa eleksyon…

…pramis

…boboto ako

Oo ako na….

Ako na mismo…

Ako na mismo magsisimula…

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on October 31, 2009, in politics, public, social and tagged , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Hello, added u in my bloglinks.. Add me too please.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: