Pasayahan? (behind the scenes)

Sa dinami dami ng sakit sa ulo ng Fiesta na ito, may mga kilig moments din naman akong naitago… Mga tagpong hinding hindi malilimutan ng isang batang namimilipit sa tuwa dahil sobra syang in love. Sa mga tagpong ito ako kumukuha ng lakas habang tinitiis ko ang bulong ni Robin Padilla sa aking tenga, ito ang nagpawi sa pagod ko noong Grand Parade at nag alis ng lahat ng stress ko sa laban.

Sino ang tinutukoy ko?

Siguro ay nabanggit ko dalawang beses ang contestant number 3 na nakalaban namin sa painting contest. Nakita nyo ba? Isang myembro nila ay ang aking kasintahan 🙂 Kami lang siguro ang sumali na magkasintahan na, magkalaban pa. Walang nakaalam noon kundi grupo nila at grupo namin. Number 3 sila, 13 kami. Tuwing matatapos ang laban, meeting, orientation at parada, kami ang magkasama.

“Magkalaban tayo sa laban pero sa laban lang…”

Noong orientation ng Pinta 2009, saka lang nila nalaman na kasali ako. Muntik pa kaming mag-away dahil dun pero sa kabilang lahat, walang nagawa at tinanggap na lang. Hindi ko sya tinuring na kompitensya di tulad ng *contestant number 14. Ang fiestang ito ang nagbigay daan para magkita kami araw araw na napaka dalang naming magawa dahil sa hectic na schedule nya sa studies at super busy kong schedule sa work at studies. Pagkatapos ng laban sa street painting, magkasama naming pinagtawanan ang gawa ng isa’t isa at tinanggap ng malumanay ang aming pagkatalo. Hinawakan ko ang kamay nya at hinatid sya pauwi, salamat na lang kay San Fernando, magkasama kaming umuwi habang nakatingala sa mga bituin mag aalasiete ng gabi.

Di pa natapos dun ang saya, pagdating ng orientation para sa Wall Painting ng SM, magkasama kaming naghanap kung sang sulok ng SM nandoon ang admin office. Ayaw ko magtanong sa information matatapos na ang ligaya e. Pagkatapos ng ilang saglit ay nakita na namin at na orient sa mga dapat gawin, nag uli uli sa SM pagkatapos at umuwi na para sa parada kinabukasan.

Theodore... teddy for short

Theodore... teddy for short

Sa araw ng parada, excited ako… (hindi sa parada) kasi birthday nya yun. I gave her something earlier, nung Street Painting, a teddy bear na medyo malaki na medyo maliit. Natuwa ako kasi natuwa sya sa gift ko. She named it Theodore, sabi ko kasi “long for Teddy” o di ba. Kahit maulan kaming naglakad, ok na rin kasi kita ko sya na sumusulyap para tingnan kung ok lang din ako. Hanggang SM kaming magkasunod at pagkatapos nun ay nagpunta na kami sa Carnival.. 🙂

Kumain muna kami sa Mang Inasal at minasaker ang 300 consolation prize namin. naka anim na kanin yata ako noon sa sobrang pagod. Tapos ay tumulak na kami sa Pacific mall para sumakay sa Ferris Wheel. Octopus muna ang aming sinakyan pero mas enjoy pang sumakay sa bus na byaheng Gen. Luna kumpara dun. Sa Ferris Wheel, na inakala kong ganun din ay masaya pala. Mabilis ang ikot at nakakalula rin. Habang nagsasakay ang operator ay napatigil kami sa kataasan, kita namin ang buong lucena at ang mga bituin, doon, binigyan ko sya ng kiss at yun lang, yun na siguro ang pinaka sweet naming moment, saksi ang mga paniki sa kiss na yon.  Nagpaikot ikot na kami pagkatapos nun. Hindi pa nasiyahan at nag Roller Coaster pa, nun ko lang ata naisigaw ang buong kaluluwa ko. Habang umaandar ay nagawa pa nyang mangiliti sa tagiliran, buti na lang hindi ako sumabit sa puno. Naiwan ko yata ang boses ko sa lugar na yon kasi kulang na boses ko pagbaba, wala na ring buhay ang tatlong daang piso ko noon pero masayang masaya naman ang araw ko, kahit pagod.

Hay yun, isang silip sa mga nangyari noong contest. Kung nababasa man ito ni Charo Santos o ni Mel Tianco, comment ka lang ipapadala ko ang detalyadong version ng kwento. Kung si Rey Langit naman ikaw, comment ka rin pero wag mo na kunin yung lab storing ito hihi..

Hehe wala lang…

Hehe 🙂

Contestant number 3 and 13

Contestant number 3 and 13

Di na yata mabura ang ngiti sa labi ko e, muka na kong timang.

* contestan number 14 ay ang schoolmate namin na nanalo ng 10K

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 11, 2009, in emote, public, social and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. hindi ko siya kilala ah,..lagot me iba kpbng hindi ipinapakilala..hahaha

  2. basahin mo kaya yung buong kwento hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: