Masayang Konklusyon

Dumaraan ang pista sa bayang ito minsan lamang sa isang taon, nagdadala ng iba’t ibang bagay at nagdudulot ng iba’t ibang emosyon sa mga taong nakikilahok dito. May mga nagmumukmok sa bahay, nakikilahok sa mga patimpalak, nanonood, kumakain ng fishball, nakikichismis na lamang sa kanilang kapit-bahay, umiiyak, ngumingiti, tumatawa, nananalo, natatalo, nananaghoy, nagpapapansin at meron din namang ilan na nagsusulat ng mga ganitong bagay upang ilahad sa sambayanang Pilipino ang pyesta ng Lucena sa naiibang paraan.

Ang lahat ng tulay ay may kabilang dulo, lahat ng lolipop ay may matamis na kendi sa dulo, lahat ng bahaghari ay may regalo sa dulo maging ginto man ito o itlog, at sa dulo ng napakahabang litaniyang ito, ay mailalahad ko ang tamis na kahit paano ay nagbigay ng kulay sa mga drowing at karikatura ng aking mga pinangarap sa pistang ito.

Hindi matutumbasan ng kahit anong ginto o salapi sa dulo ng bahaghari ang kiliti na iyong madarama sa tuwing naiisip mo ang mga posibleng mangyari kung sakaling ikaw ay magwagi at mabigyang pansin ng mga taong minsa’y kasama mo lamang nakikipanood sa kanto ng Quezon Avenue. Hindi mo makikita ang tag price ng mga ngiti na ibinigay sa iyo ng contestant number 3 habang tumutulo ang pawis mo sa pagpinta sa dingding ng SM, maging ang bungisngis at kantyawan ng iyong mga kasama habang sama sama ninyong tinutupad ang tila imposibleng pangarap na magkamit ng dyies mil. Kung susumahin ay mahihigitan pa ng saya sa pakikilahok at pagsali ang lungkot at pasakit ng pagkatalo. May ilan na tumalikod at ipinahid na lang sa pader ang kanilang naramdaman, at may ilan na nakinig kay lolo Tasyo at natuto sa kanilang pagkabigo at pagkatalo. Ngayon ko lang napag isip isip na mas marami pa akong napanalunan kesa sa nanalo sa mga patimpalak na iyo. Hindi ko man lang maiisip ang mga ganitong bagay kung naglalangoy na ako sa pera, baka lumaki pa ang ulo ko at pagtawanan ako ng mga itlog.  Salamat na lang pala at hindi ako nagmukmok sa bahay, mas lalo akong walang makukuha doon kahit itlog.

At sa pagtatapos ng napakahabang Litaniyang ito, nais kong ipabatid sa buong bansa ang saya, hindi lamang sa mukha at labi ng mga Lucenahin kundi pati na rin ang saya na nagbunga sa kalungkutan sa puso ng mga batang Lucenahin na nagpapatibay ng kanilang pagkatao at pagka Pilipino. Hanggang sa susunod na kapistahan mga mababasa ng Lucena, nawa ay nakita ninyo ang Lucena sa mata ng isang gaya ko, mareklamo pero may sense na tao.

……………………………………………………………………………………………………..

Sa dingding ng SM CITY LUCENA

Sa dingding ng SM CITY LUCENA

PALAB0Y

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 11, 2009, in emote, public, social, Uncategorized and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. kulang na lang plactic cup ng jollibee… wew
    LOL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: