Pasayahan? (part 4)

“Inuulit nga ba ng kasaysayan ang kanyang sarili?”

O sadyang makulit lang talaga ito. Ipinipilit ang kanyang sarili sa mga tao na ayaw sa kanya, habang hinahanap naman ng mga tao na ayaw nyang pagbigyan.

………………………………………………………………………………………………………..

“Kaya ba tumbasan ng sipag at tiyaga ang natural na talento?”

O patuloy ka lang bibiguin ng mga pagsisikap mo habang namamayagpag sa katanyagan ang ilan na hindi nakaranas ng paghihirap sa kanilang buhay.

………………………………………………………………………………………………………..

“Kaya mo ba hukayin ang malalalim na katanungang ito?”

O gaya ko na ilang araw nang naghuhukay ngunit di pa rin makita ang hinahanap.

………………………………………………………………………………………………………..

Tapos na ang mainit na tagisan ng coloring powers sa kahabaan ng Quezon Avenue. Tapos na rin ang mala Death March ng kahihiyan na aming pinagdaanan para lamang sa tumataginting na tatlong daang piso. Ngayon ay heto na naman ako sa harap ng mesa at tinatawanan na ng mga lapis at papel kong hawak. Mababaliw na yata ako o napagkamalan ko lang na asukal ang monosodium glutamate na nilagay ko sa aking 2 1/2 in 1 kong kape. O ngayon ka lang nakarinig nun ano? Matabang kasi, kulang pa ng kalahating part ng asukal. Ayun dating kwento, puyat sa pag iisip ng konseptong wala nang kinalaman sa chami o anumang uri ng pansit. Iba na rin ang laban dahil sa dingding na ng SM kami magpipinta. Ang hirap talaga mag isip lalo na pag nakita mo na ang lalagyan ng inaakala mong lalagyan ng asukal ay ginagamit nila sa pagluluto ng tinola.

Dating kwento dating problema, ang mga problemang ito ay nauwi na naman sa ganoong pangyayari. Kanya-kanyang obra, kanya kanyang kulay, kanya kanya ng kahihiyan na aming paninindigan kung saka sakali. Di tulad ng naunang laban, walang tatlong daang pisong naghihintay sa amin sa dulo ng bahaghari. Ang naroon ay sampung libong piso o kaya naman ay ang nakuha ng dalaga sa wowowee kanina, apat na itlog na pula. All or nothing ang laban at nagsusumiksik sa amin ang nothing. Tinatamad na naman ako, dahil gaya nga ng dati, konsepto ko na naman ang nasa gitna, at enggrande na naman ang aming background. Bahala na sa laban kung ano man ang mangyayari basta ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang lumikha ng kosepto, isapapel ito at kulayan. Hindi ko alam kung papasa ito sa mata ng mga arkitekto na titingin sa aming gawa ang alam ko lang ay punong puno ito ng sakripisyo at paghihirap.

Alas nwebe ng umaga sa araw ng paligsahan, dinaig ko na ang marathon sa dami ng beses kong inikot ang SM. Ang haba pala, at hindi ko pa rin makita ang aming kasama na hanggang ngayon ay nawawala pa rin. Ilang saglit na lang ay tatawagin na kami para sa numero namin at pag siya’y wala, ay baka ibato na ng dwende ang apat na itlog papunta sa amin.Ayaw ko na pahinga muna ako, bahala na kung hindi kami makalahok teka, nakita ko na sya sa wakas. Ayun, naglalakad na parang nasa ilalim ng buwan, nagmamasid sa obra noong nakaraang taon, o tumigil pa at tinawanan ang isa. Masasapak ko na sana sya kung hindi lang ako malayo pero napaisip ri ako sa kanyang ginawa.

Magandang bagay ang magmasid sa lahat ng mga bagay at bigyan ito ng pagpapahalaga maging payak man ito o hindi. Masyado ko na pala kinakarir ang mga labang ito at nalilimutan ko nang bigyan ng pagpapahalaga ang bawat guhi at kulay na aking aming nagawa. Na sa kabila ng tatlong daang piso o sampung libong piso na nakataya, nakagawa kami ng obra na mula sa aming emosyon at puso na hindi matutumbasan ng kahit anong salapi o kahit na anong uri pa ng itlog.

Balik tayo sa laban, limang oras na walang kain ang lumipas, hindi pa ako nakakapag almusal o kahit tanghalian man lang, limang baso siguro ng pintura ang natapon sa sahig, tatlong lapis ang nawala sa hiraman, limang brush ang napapunta sa ibang kalahok, at labing isang reklamo kay lovy dudes na kanina pa talak ng talak ng walang katuturang bagay sa mikropono, natapos na namin ang aming obra. Tiningnan ko ito ng may ngiti sa aking mga labi at tagus taingang narinig ang pangoolay ng aking mga kasama. Ako ang maglalahad ng ibig sabihin nito sa mga hurado kaya kinakabahan na rin ako. konting hinga, konting inom ng c2, konting sulyap sa contestant number 3 at handa na akong magkwento. Habang nagkukuwento, umuulan ng malakas, ayaw talaga yata ng tadhana as gawa ko. matapos umagos ang dugo sa aking ilong kakaenglish, ay umusad na ang mga hurado sa kasunod na kalahok. Narinig ko yata silang bumulong ng whatever o hang over lang ito ng monosodium glutamate.

Dahil umuulan, pinapunta kami sa receiving section ng mga produkto ng SM. doon kasi may bubong. Pagod na ang aing mga kasama, at ako ay gutom na, maya maya lang ay sasabihin na nila kung sino ang nakakuha ng ginto at kung kanino ang itlog. Ilang taon pa ang lumipas ay dumating na sila at nagsimula na si lovy dudes magngangawa ng mga bagay na may kinalaman sa mananalo. Ako, ang aking mga kasama, at isa pang kalahok mula sa aming paaralan ay umaasa namabanggit ni lovy dudes ang aming pangalan. Kahit on the spot lamang ang gawa ng talentado naming co-contestant at tila abstract na naman ang pinagpuyatan ko. Binanggit na ni lovy dudes ang third, ang second at sa lahat ng kanyang sinabi, ang kahulihan ang hindi ko lubos matanggap.

Sa huli ay naiangat naman namin ang pangalan ng aming paaralan. Hindi lang kami ang nagbubuhat kundi ang talentado naming co-contestant. Ang plano noon ay hati-hati sa ginto, kahit sino man ang nanalo, ngunit para sa akin ay itlog pa ng pugo ang nakuha ko.

Abnormal ba ako o sadyang maarte lang kung sabihin kong masaya man ako para sa mga nanalo kong kasama, ay dumurugo ang damdamin ko na makitang walang nangyari sa ilang araw kong pinagpuyatan at ipinagmalaki. Ako ba ang may problema pag hindi pa ako nasiyahan sa pera na ibibigay nila sa akin kahit natalo ang obra ko. O sadyang manhid lang ang dalawa kong kasama habang sumisigaw sila ng pera! Pera! sa aking harapan. Hindi ako nakaimik, hindi ko makain ang pablow out nila kahit isang araw na akong nagugutom. Mahirap palang umasa ng ginto kung sa huli, iba ang makakakuha nito. Hindi siguro ako isport kung tutuusin palit na lang tayo ng nararamdaman kung gusto nyo. hay….

………………………………………………………………………………………………………..

SM City Lucena Wal Painting Contest

Past of the Celebration of Chami Festival 2009

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 10, 2009, in public, social, Uncategorized and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: