Pasayahan? (part 3)

May 28, 2009

Tila yata bumalik ang mga Hapon sa Lucena at pinarusahan kaming mga kalahok sa Street Painting. Kailangan pa pala naming iparada sa sangka-Lucenahan ang aming gawa mula sa Quezon High hanggang sa SM. saka pa lamang namin matatanggap ang pinaka-aasam asam naming 300 pesos.

“Noong panahon ng Hapon, naisipan ng isa sa mga buang nilang heneral na paglakarin na lang hanggang sa mamatay ang kanilang mga bihag kesa barilin para makatipid sa bala. Isang bagay na ikinatuwa ng mga sundalong hapon na ikinamatay naman ng maraming Pilipino. Pagod, gutom, uhaw, ilan lang yan sa kanilang naranasan habang naglalakad ng pagkalayo layo…”

Yun lang ang natandaan ko sa aming Social Studies noong Grade 5. Yun kasi ang pinaka magandang part ng ating kasaysayan para sa akin. Hindi dahil sa maraming namatay, hindi yun. Punong puno kasi ng emosyon ang Death March kaya ganun. napakaraming luha ang umagos, dugo ang dumaloy, at pawis ang nasayang basta mga ganung drama ng mga sinaunang Pinoy. Ito ang naalala ko sa sarili naming sakripisyo noong date na nakalagay sa itaas. Ibinandera namin sa buong Lucena ang aming mga pininta na ang sabay sabay na nagpapaikot-ikot sa isipan ng bawat natalong kalaho kay “Tatlong Daang Piso.”

Napakahaba rin naman ng aming nilakad habang labit ang kwatro p0r kwatro na tabla. bukod pa rito ang sandamakmak na tao na nakatingin sa amin at  sumisigaw ng “Wow ang ganda naman!!” habang nakatingin sa tabla ng kalahok na nasa likod namin. Anak ng pating oo nakakahiya talaga. Sana ay pwede naming sakyan ang higanteng kawa ng chaming may gulong na iginuhit ko. Umuulan ulan pa noon kaya maputik. kung di lang dahil sa tatlong daang piso sa dulo ng aming nilalakad ay baka nagpaiwan na ako sa tindero ng buko juice sa may Mcdo.

Mula sa Quezon high ay naglakad kami hanggang Quezon Avenue, lumiko sa may Mcdo, hanggang sa tindahan ng Dunkin’ Donuts paikot sa Merchan St. Nilakad na naman namin ang kahabaan ng kalsada hanggang sa makarating sa likuan papuntang SM. Maraming tao, na mas nagmumukang madami sapangungutya ng ilan sa aming mga gawa. Sa kahabaan ng kalsadang hindi ko malaman ang pangalan, nakipag patintero pa kami sa mga sasakyan na kaagaw namin sa kalsada. Nagsimula na kaming magkatuwaan habang nagsisigawan ng “tatumbling! tatumbling!” at pinaiikot ang tabla na aming dala dala.

Sa wakas matapos ang martsa ng kahihiyan, nakarating kami sa SM, pumila ng mahaba para sa consolation prize at tinanggap lahat ng nangyari sa nakaraang linggo. Wala na akong magagawa kundi tanggapin ang mga bagay na ito, bahala na sa isang taon kung sasali pa ulit ako. Basta ang alam ko, pwede na itong dahilan para mapasali ang pangalan ko sa aklat ng kasaysayan ng Lucena.

“Ang batang sumigaw ng Tatumbling habang nasa Grand Parade.”


Marami pa akong gusto i-kwento at hindi pa natatapos ang pasayahang ito. Hanggan sa Muli, dito ko nakuha ang sakit sa paa at sikmura ngayong taon. Ibang sapatos na ang suot ko at basa na ang pantalon ko hay…

Pasayan Sa Lucena Grand Parade

Part of Pasayahan sa Lucena: Chami Festival 2009

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 10, 2009, in emote, public, social. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: