Pasayahan? (Part 2)

“Nagugutom na ko, pwede ko ba kainin ang chami na ‘to?”

“Di naman yata masarap ang tinapa dito sa atin e”

“Oo, sikat ang buko juice sa lahat ng kalye dito sa Lucena”


“Happy Anniversary Jollibee!!!”

Burger! Burger! Burger!”

“Burger Yum! Burger Yum! Burger Yum!”

Sa aking pag gising, tumambad sa akin ang mga papel na nakalatag sa aking harapan,  puno ng karikatura, pintura at kung ano ano pang eksperimento na aking ginawa kagabi. Kailangan kong pagbutihin, Kailangan kong puspusin ng paghihirap ang nakasadlakan kong ito. Nakasalalay ditto ang dangal at ang pangbayad ko sa matrikula ngayong darating na pasukan kaya’t bagama’t hindi ko alam ang naghihintay sa akin ay tinahak ko na rin.

Kunot-noo kopng tiningnan ang isang dosenang karikatura na matapos ang tatlong gabing pagpupuyat ay hindi ko pa rin mabuo. Anong klaseng obra nga ba kasi ang pwede kong magawa gamit ang tinapa, chami at niyog na di ko inaasahang ipipilit nilang isama. Nakabuo na ako noon ng gagawin ngunit nawala lang lahat dahil sa pagbabagong iyon kaya’t heto nakababad pa rin ang mga mata ko sa mga papel na ito. Tambak na rin ang balat ng 3 in 1 na kanina ko pa iniinom. Siguro kailangan ko na ngang matulog, bukas na nga pala ang patimpalak na ito. Kailangan ko magpahinga para bukas may maiguhit akong maayos.

Kasing init na ng araw ang aking ulo sa paghihintay. Nakalatag na ang mga tabla na aming lalagyan ng obra ngunit ang mga may pakana ng lahat ng ito hanggang ngayon ay nagkakagulo pa. Ako ay naiinis at nabubugnot na di ko inaasahan ang mga mangyayari sa araw na ito at sa hindi nga inaasahang mga pangyayari, bigla na lang ako nawalan ng gana sa pagsali…

Wala akong angking talento sa pagkukulay lalo na sa pagpipinta. Tanging ang mga crayola crayons lang ang naging sandigan ko sa pagbibigay ng buhay sa mga karikatura kong walang kulay. Hindi na ako naghangad ng mas gaganda pa kesa sa black and white kong mga gawa na bunga ng aking paghihirap. Sa adobe photoshop na lang ako bumawi ngunit sa patimpalak na ito, hindi uubra ang mga ganung padale. Kailangan kong balikan ang mga itinuro sa akin nung grade 5 para maging mas maayos ang gawa ko. Hanggang ngayon kasi napapakunot pa rin ang noo ng tatay ko tuwing aksidente nyang nasusulyapan ang mga tila abstract kong gawa.

“Dinosaur ba ito??”

“Hindi po, respiratory system po yan”

At dahil doon, heto ako ngayon nakabilad sa araw, nakadapa sa ibabaw ng tabla, isang oras na lamang at pasahan na, sira ang sapatos kong nike na arbor pa sa ninong ko, at hindi malaman kung paano kukulayan ang higanteng kawa ng chami na tanging natira sa ideya ko. Pinalitan na nila ang buong konsepto at nagkanyakanya na lamang. Kanya-kanyang gawa, kanya-kanyang kulay, kanya-kanyang dangal ang nakataya. ang front-liner kong chami float ay napuno ng kahihiyan dahil sa pangit nitong kulay at na puno naman ng karangalan ang mala Van Gogh na background ng aking kasama. Masakit na ang aking katawan, ulo, tiyan, pati damdamin dahil sa mga pangyayaring ito yanu. Kinain ko na lang ang burger na bigay ng Jollibee na kung hindi pa sumigaw ng sumigaw ang facilitator ng contest ng “Happy Anniversary Jollibee!!” ay hindi pa yata mabibigyan ang mga kawawang pintor na nakasalampak sa Quezon Avenue.

Darating ang araw at babakbakin na ang mga obra noong nakaraang taon at ikakabit na ang obra namin ngayng taon sa kahabaan ng Quezon Avenue, may bago na namang didikitan ng mga vote for kung sino sinong opisyales, may bago na namang susulatan ng ay labyu kung sino ka man ang mga walang magawang tambay sa gabi, at may bago na namang pagtatawanan at hahangaan ang mga deboto ng Quezon avenue.

Sumasakit lang ang aking ulo sa pag-iisip ng mga bagay na ito, ikukuwento ko pa sa inyo ang iba pang nangyari sa piyestang ito. Ngunit sa ngayon, dito ko nakuha ang 300 na consolation, sakit sa ulo at sakit sa katawan. Iniisip ko pa rin kung pano ko aayusin ang sapatos na nasira ko.

PINTA 2009

Street Painting Competition

A part of Pasayahan sa Lucena: Chami Festival 2009

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 10, 2009, in emote, public, social. Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: