Pasayahan Sa Lucena 2009

Dumating na si San Isidro, kasama nya si San Fernandong bumisito ditto sa aming bayan sa Lucena. Dumating din ang napakaraming mumunting tindahan ng damit, sapatos, ice cream, pagkain, bra, panty, may kulay na sisiw, may kulay na itik, may kulay na pugo, may kulay na siopao at higit sa lahat ang mga lobo na wangis ni spongebob, doraemon at iba pa. OO nga pala, fiesta na nga pala kasi dito sa amin kaya ganon. Makikita na sa napakaraming sulok ng Lucena ang yanong lalaki at minsay maliliit na larawan o ideya ng chami. Ayon sa marami, hindi raw kasing enggrande ng pista noong isang taon ang kasiyahan ngayon ngunit pipilitin pa rin ng nakatataas na gawing katanggap tanggap ang selebrasyon.

Ngayong taon, naisipan kong itigil muna ang pagkukulong sa aking kwarto tuwing darating ang pista. Susubukan kong makisali at makilahok ng sa gayon ay mapasali naman ang pangalan ko sa aklat ng kasaysayan kung sakaling may mangyaring di inaasahan. Isa pa, wala na rin ankong pang gastos, hindi yun madaragdagan ng pagmumukmok ko sa bahay at ang tangi ko na lang pag asa ay ang mga papremyo sa mga aktibidades.

Kaya yun, sa mga sumunod na araw, ang dami kong nakuha, tatlong daang piso, sakit sa katawan, sakit sa ulo at higit sa lahat sakit sa puso na hanggang ngayon ay dinadala ko pa.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on June 2, 2009, in public, social. Bookmark the permalink. 6 Comments.

  1. sakit sa puso?wat da..

  2. di ka man nag imbita, ay naku nalipasan ako ng pyesta. kumain ka ga ng chami?

  3. all will be answered soon

  4. ay umaapaw ng kachamihan dine sa Lucena.. sa katunayan ay pagkakadaming chami ang ipinakain sa mga lucenahin… 🙂

  5. lol. aklat ng kasaysayan. haahah. sana naman mapasali ang pangalan mo! gudlak bro! hahaha. musta na? tagal mong di nagawi sa blog ko ah

  6. yun hehe muntik na rin ako hindi makabawi… busy kasi dito sa school e.. hindi na ko makapagsulat sa PC puro papel na hindi ko mahanapan ng oras para i-type ulit sa blog na ito..

    thanks for the visit hehe 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: