Pilato

“Kung ano marinig mo sa kaliwa, ilabas mo sa kanan.”

“Wag mo dibdibin yun, sinisindak ka lang nila.”

“Ok lang yun, ganun talaga sa una.”

Salitain ng mga ate at kuya naming nagsilisan na sa aming paaralan. Ngayong kami naman ang nakatatanda, ito na rin ang naging bukambibig namin sa mga bagong kasama na nakikipagsapalaran sa hirap ng buhay. Dahil kami ay nagtatrabaho rin sa institusyong ito, hindi talaga maiiwasan na mangyari ang mga di kanais nais-na sermon at ang mapagsabihan sa pinakamasakit na paraan, kasama na ang mapahiya, mapaiyak at matameme sa harap ng mga nakatataas.

Bilang mga mumunting empleyado, alam na naming ang aming lugar at kasama na rito ang pag respeto sa mga nakatatas. Dahil sila ang tumutulong sa amin upang maging matagumpay. Hindi rin naman maikakaila na mayroon pa rin naming mga taong sing bangis ni Pilato at halos ipako ka na sa sarili mong krus sa harap ng nakararami. Mga taong hindi nakikita ang paghihirap na pinagdaanan namin dahil sa mas nakaranas sila ng paghihirap noon pa. Sila na hindi man lang inisip an gaming mararamdaman sa tuwing hindi nila nabibigyang halaga ang aming ginawa, na sa kabila ng pagbibigay ng lahat ng aming makakaya, ni kaunting pagpapasalamat ay ipinagkakait pa.

Saka pumapasok ang mga linyang ito, bilang pangpalubag loob sa mga nanghihinang tao, upang minsan ay makakita sila ng positibong pananaw kahit sa pinakamasalimuot na sitwasyon ng aming trabaho.Noong una ay ako ang sinasabihan nito, ngayon ay ako naman ang nagsasabi sa mga kasunod ko, at sa lahat ng napagdaanan ko, hindi ito umubra.

Sabihin man nating ayos lang ang lahat, hindi pa rin mabura sa isip at damdamin ko ang mga karanasang iyon. Naituwid ko man ang lahat ng aking pagkakamali, hindi mawawala ang sakit na kinailangan kong daanan upang matamo iyon. Pumasok man ito sa kaliwa, mambubulahaw muna ito ng isip at damdamin bago lumabas sa kabila.

Ngunit hindi man umubra ang lahat ng ito, ganito na lang ang iniisip ko,at gusto ko rin ibahagi sa inyo, na kahit ang anak ng Lumikha, dumaan pa rin kay Poncio Pilato, at sa kabila ng paghihirap niya, pag-ibig at pag-unawa pa rin ang nasa Kanyang huling hininga. 🙂

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on March 27, 2009, in education, emote and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 2 Comments.

  1. ui!kaw na ang susunod na bob ong..XD

  2. uy thanks insan… 🙂 visit ka lagi ah..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: