Asaness

Waring itong papel na ito ang pinagbuntunan ko ng sisi. Wag mag expect ng mga bagay tulad ng mga teletubbies na tumatalon talon sa damuhan. Kung ikaw ang tipo ng tao na nagrereport ng mga nakikita mong karahasan, wag mo ng basahin ito. Pero kung gusto mong makiramay sa problemang ‘to, e di go… go… go… BAWAL SA MGA BATA…


Ito ang kwento ng buhay kong puro asa, “asa” yan ang pinaka topic natin ngayon. Magmula pa ‘nun, ganito na ako. Bahala na ang lahat. Take things by chance kumbaga. Nung maliit pa ako, gusto ko ng kalaro pero dahil ayaw ko sa mga larong may physical contact (yung tipong pag naglaro ka, pag natapos na kayo, bitbit mo na ang braso o ulo mo), walang pumasa. Sa halip, ito lang ang nagi kong kalaro… c Masked Rider… tau tauhang putol ang binti.yung mga lego ko na maya’t mayang kinalas, kinabit, nawala, nakita ayun. Yung mga plastic na sundalo na nabibilang nakatimba. Sila, sila lang ang kalaro ko nun. Kaya ngayon naku… yung mga larong akala ko ay kayak o… Hindi pala. Luksong baka, muntik na ko mamatay kasi sa pagbagsak ko, una ang ulo. Tumbang preso… ano ang gagawin? Basketball? Ah, yung nagreresling tapos ipapasok ang bola sa goal? Para daw akong hindi lalaki kasi ultimong sack race, hindi ako nadapa, gumulong ako papuntang finish line. Asaness.

Nauso ang term nay an nung mga araw na usong uso ang online games. Yung pag mamamatay na ang kalaban pag tinira mo pero sumablay ka, sasabihan ka ng asa in short… “ang tangi mo”. Naku pa gang buhay mo ay isang malaking asa, di ka nag iisa. Sa trabaho, minsan pakiramdam ko ang tibay ko pero madalas akong manghina. Anak ng sigarilyas o para daw akong dalaga sabi ng bosing ko kasi nung una di ako makapagsilab, makapag gamas o makapagsibak ng kahoy.’Sang lupalop ka naman ng kwarto gagawa ng mga ganung bagay? Eh sa kwarto ko lang naman ako naconfined buong buhay ko. Oo, hindi ako layas.

Satatlong lagay ako hinangaan ng mga tao sa paligid ko, sa kompyuter, sa sipag ko, oo kahit mahina ako ay pinupuri ako. Kahit higitin ko yan maghapon dahil di ako mabuhat, gagawin ko at syempre sa pagiging asaness.

Babae.. ngek! Nagtanong ka pa. noon hindi ako nilalapitan ng kung sino mang babae. Weirdo ako ‘nun kasi hindi ako social type. Solitary ako. Nung natuto ako maggitara, aba, kaibigan na ang lumapit. At sa dami ng crush ko (still counting) bigla na ako nagmahal ng lubusan. Ano ba ang alam ko sa ganyan e di wala. Tinago ng isang taon at mahigit. Nadaig ako ng isang manliligaw niyang higit pa sa asaness ang buhay… mamao na. yung kaya niya in an instant. Ilang beses akong nasaktan at lumuha sa Buhay kong ito. Pero naitae ko rin ang nararamdaman ko. Hehehe buti na lang may tumanggap sa akin. Hindi ko siya maligawan kasi hindi ko alam ang gagawin… haay… ayoko masaktan kasi masakit. Masakit kasi ma… ma… masakit talaga.

At dahil sa kadahilanang ito, unti unti ko nang napagtanto na parang umaasenso na ang Buhay ng mga kaibigan ko. Ako, eto at humihithit ng vicks… sniff…. Aaaaahhhhh…. ‘yung unang set, nagka gf bf ayun wala na. Naiwan ang solitary asaness creature na si ako. Di ko maiwasan ang maiinggit, kasi may nararating na ang Buhay nila. Ako, merong narrating… ang 0.8754878454584577582th step ng Buhay ko. In short, walang nangyari.minsan parang gusto ko na managa ng epal sa mundo.

Minsan nga nakausap nung bespren ko ‘yung crush niya, di ko napansing dumaan. Hanggang uwian sila magkasama. Nasa kanya ang pamasahe ko. Umuwi akong naglalakad.

Mapagmahal ako pero adik ako sa atensyon. Pero hindi ako KSP na eepal para makita ninyo. Tahimik lang ako, pilit itatago ang emosyon at ilalabas lang sa mga lamok na kumakagat sa akin. Bakit ganoon? Ako nalang lagi ang iwan…

Asaness talaga ang Buhay kong ito. Kaya minsan naaasar ako sa mga taong mamao. Yung mga taong walang ginawa kundi mang agaw ng atensyon. Yung may kakaibang talent na mas nagagawa nila ng ayos kesa sa akin. Marunong din naman ako ng mga ginagawa nila. Kaya nga kinalaunan ay di ko nagustuhan ang commercial ng mga gatas na nagpropromote ng child prodigies. Ang progress, enfakid, at enfagrow kasi nakakaagaw ng atensyon. Bakit ako hindi ganun? Pati ‘yung mga palabas na bata ang gumaganp, ganoon din naman ako nung bata pa ako nung bata pa ako pero bakit mas gusto nila ‘yun? Sabihin mo na lang kung may problema ako sa pag-iisip o egotism lang ito. Pakitakip na lang ng meaning ng egotism.

Isa tao pa lang ang nakakaintindi sa ugali kong mapang- asar. Oo, makulit at matalas minsan ang dila ko. Alaskador. Mapanlait, pintasero. Ewan ko ba pero sabi n’ya di naman daw totoong panlalait and intension ko dun. Parang lambing lang. huhuhu asan na kaya ‘yun, miss ko na siya. Hanggang salita lang kasi ako. Pag pinagawa naman naku… wala din. Laging ganun… kaya minsan hindi ako makapang asar kasi pag inasar nila ako, mas masakit.

Haay… ang asaness ng buhay , ganito. Puro kayabangan at katangahang taglay. Pero sa kabila ng lahat, mabait kami. Aku pala… ikaw na ang mawalan ng kasama sa pagdaan ng panahon, ikaw pang di magpakabait para datnana ng bagong kaibigan.

Asaness…………

Goose frabaaaaahhh……..

10, 9,8,7,6,5,4,3,2,1….

Lalalalalalalalalalalalalalala……

#!@#$%^&*()_%$#$%^&*(&^%$(*

#@#$%^&*()_)_)(*&^%#$%^&*()_+@#$%^&

Tooooooooooot************************

*********************************

Singhot. Singhot…

Singa…

Ok na ko….


Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on March 20, 2009, in emote and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. Just a little background.. ehrm
    This was written long before i even discovered blogging. I think I was in first year college back then. I was so depressed and angry at myself for some reasons that instead of making a report, I accidentally wrote this instead. I said to myself that it would be such a waste if i de;lete it so I saved it and printed it out.

    A few years later, i found it in the trash from my mom’s spring cleaning and hurriedly picked it up, and slid it inside my bag.

    The next thing I know, it was accepted as an essay contribution in our school organ. The funny thing is, I was not even the one who had the guts to submit it. Though it was there and in my pen name too.

    🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: