NOT YOUR ORDINARY POST

 

Hindi ko alam kung bakit sya umalis, sabi nya kasi tapos na ang termino nya sa amin, na may iba pang nangangailangan sa kanya, na kailangan talaga muna nya magpakalayo, hindi ko maintindihan. Isang araw na naabutan ko sya sa harap ng kanyang malaking piano, pabiro ko syang tinanong at ito ang sinabi nya. Siguro ay ayaw nya lang ipakita sa napakabata kong isipan ang sakit ng katotohanan, at dahil dito, hindi ko pa rin matanggap ang kanyang pag alis. Sa kanyang mga mata na noo’y lumuluha, nakita ko na sya man ay hindi rin matanggap ang mga nangyayari, at tanging ang piano lang na ito ang nagging tagasalo sa lahat ng kanyang hinaing na hindi naming natugunan.

“bakit po kayo aalis?”

“wala lang, trip”

Ang mga birong ito na naggaling sa kanyang mga labi, ang mga birong nagpasaya sa amin, na sa kanya naman ay nagdulot ng sakit, ito ang mga birong hindi naming nakitaan ng ano mang ibig sabihin.

Sa loob lamang ng tatlumpong minute ng kanyang pagtugtog sa harap ng malaking piano, narinig naming ang musika ng kanyang paghihirap noon, kaming dalawa ng aking nanay nanayan, na sa kabila ng kabagsikang taglay ay napaluha rin. Ako, hindi ako lumuha, dahil hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko, ang sinasabi ba niya, o ang sinasabi ng kanyang mgfa mata, ng kanyang musika at ng aking mga nakikita.

Ang buhay ditto noon ay Masaya, dito ako namulat sa iba’t ibang bagay na kailangang malaman ng isang tao. Tamang pagtatrabaho, responsibilidad, pakikisama at higit sa lahat ang pananampalataya. Lahat natutunan ko sa hindi madaling paraan. Ang buhay noon ay napakahigpit, maluwag na ngaraw kung maikukumpara sa mga nakaraang taon, pero ditto talaga ako nakaranas ng ganito kalaking pagsasakripisyo. Paggising ng maaga upang maglampaso sa isang pasilyo na maputik, kumain ng almusal sa ulam na hindi ko gusto, umuwi ng gabi dahilan sa pagpasok, at di na masikatan ng araw sa aming bahay dahil sa pinasok kong ito. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, Masaya ang nagging buhay ko noon. Sa dami ng mga taong nakapalibot sa akin, noon lang ako nagkaroon ng ganoon karaming masasandalan kahit natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Ang kwento kong ito ay ilan lamang sa napakaraming kwento n gaming buhay buhay. At lahat ito ay tinanggap ng isang tao na sa ami’y kumalinga at yumakap sa panahong kami ay susuko na.

“kaya mo yan, malapit na oh. Di mo mamamalayan graduate ka na noy”

Lahat kami ay inalala niya kahit sya mismo ay may mga sariling alalahanin, sa kanya kami yumakbo kasi alam naming hinding hindi kami tatalikuran… ngunit sa kabila nito, may mga bagay kami na hindi nakita.

Tao ring maituturing, humiling din kami ng kaluwagan sa mga panahong iyon, kaluwagang hindi nya ipinagdamot at ibinigay sa amin, namihasa, nasanay at sa huli, inabuso na naming ang kaluwagang ito. Humiling siya sa amin na ibalik ang dating nakagawian pero nasanay na kami, hindi na naming kaya. Sumunod ang iba, ang ilan nagrebelde, sa aming mga resposibilidad, hindi na kami nakakatugon. Nagkagulo na ang lahat pero siya, sa amin pa rin nakayakap.

Sa ilang taon nyang pagyakap sa amin, tatlumpong minute ko lang naunawaan ang kanyang ninanais para sa amin. Sa aking pagkakaalam, katatapos lamang ng lahatang pagpupulong ng mga nakatatas noon at kami ang pinagusapan, binatikos at inireklamo, wala raw siyang ginawa kundi ipagtanggol kami, hindi man sya nagtagumpay, sa amin pa rin sya kumampi. Tanging sa musika lamang niya naipahiwatig ang kanyang mga hinaing, dahil kaya nitong itago ang lahat ng gusto niyang sabihin sa amin. Sa harap ng malaking pianong ito, doon lang sya nakahanap ng pagkalinga n asana kami ang nagbibigay. Bakit nga ba ngayon ko lang ito naisip, kung kalian maalikabok na ang piano, at ang manunugtog ay lumisan na. hindi ko natutunan ang instrumentong pangmusikang minahal niya, dahil siguro nakita ko kung gaano kasakit ang dinanas niya.

At ngayong siyay wala na, ganito ang mga nangyayari, kaluwagan nga naman an gaming nakuha, pero hindi na naming maramdaman ang yakap at pagkalinga, para kaming mga kalabaw na hinayaan na lang magararo sa bukid at manginain kung kalian naming ginusto. Ang gulo ng buhay naming ngayon, batikusin man kami, walang nagtatanggol sa amin, kung mayroon man… sana nga mayroon.

Ngayon gusto kong ipahiwatig ang aking nakita, sa harap ng pianong itim, na nakatago sa malaking kahon, nababalutan ng alikabok, at punong puno ng mga hinaing na dapat sana kami ang nagdala at tumugon. Kung nakita sana naming ito noon pa, baka hindi sya umalis, baka hindi nya kami iniwan, baka hindi na magulo an gaming buhay. Kung nakita lang naming ito noon pa, baka narito ulit sya sa tabi ko, sa harap ng malaking piano nagtatawanan sa kabila ng hirap. At sa likod naming, ang napakaraming buhay na kanyang binago, inalagaan at minahal.

Ang Itim na Piano

(isang pagtanaw at pagpapahiwatig ng pangungulila)

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on February 9, 2009, in emote and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. …aNg DraMa nG bUHay..yeAh eMo..
    LaM mUh kUa aKaLa kUh, oKiE Ka lNg..nDi pLa..
    mRoN kA diN pLanG mGa tNaTagUnG SakEt..xEmPre nMan, boMbeLs Kuh tLgA,,Lhat nMan NssaKtAn eH,,uNa’uNa nGa LnG yaN..
    iCpiN nA lNg naTen iT juSt haPened 4 a POrpose..U reaLy cHanGe my RoutiNe tLga, Kc nPAka-neGa kUh eH..pRo Lge Ka pa riNg aNjan pRa suMopoRta,,paNuH nA lnG kYac kUnG wLA Ka na nUh,sNa nGa nGkaSaBAy nA lnG tAu pRa hnDI nA aKuH maLu2nGKot pG GraDuaTe mUh..Kht uNg iBaNg Tao nDi mKainTinDI sa nRaRamDFamAn nATen sAbi mUh oK LnG kYa oK LnG sKen Kht iKw nA LnG uNg maGinG kAibiGan KuH..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: