Pasilyong Durong Haba

Nagising ako sa pagtilaok ng mga tricycle at sa utot ng katabi ko na malamang ay nasagap ko na bago ako maalimpungatan. Pagtingin sa orasan naming advance ng negative 5 minutes ay dali dali na akong bumalikwas at naghubad. Nagtatakbo sa banyo ng hubo at nagsimula nang maligo. Pagkatapos ng limang minuto ng pagtitig sa umaapaw na tubig habang pinagninilayan kung gaano ito kalamig, nakapagbuhos din ako. Maya maya pa nagbihis na ‘ko at naglakad sa kahabaan ng Quezon avenue para pumasok sa paaralan. Kung nagtataka ka kung bakit hindi ko naisama ang pagsasabon, pagshashampoo at pagbabanlaw, hindi magandang magsulat ng hindi totoo kaya hindi ko na isinama. Ieeeeeeew. Joke lang nakalimutan ko lang talaga.

Habang naglalakad at nagmamasid sa mga ibon na handing magbagsak ng karimlan sa ulo mo ay binabanggit ko na ang litaniya ko sa araw araw. Panginoon, salamat po at ako ay nagising pa. tulungan mo po akong muli na maglinis ng pasilyo ngayong umaga nang sa gayon ay makasimba ako. Matatapos ang litaniya sa tapat ng katidral na may kasamang sign of the cross, ang ganda ng umaga.

Pag dating ng paaralan ay tatambad sa iyo ang orasang late naman ng negative 15 minutes na nangangahulugang kanina pa dapat ako nandito kung ayaw kong mapagalitan. 5:20 na, meron pa akong apatnapung minuto para magwalis, magdakot at maglampaso ng pasilyong animo’y death march. Mahaba, mapawis, at maputik. Hala, sa awa muli ng Poong Maykapal ay wala masyadong kalat nung umagang iyon, bagama’t winalis ko pa rin at saka nilampaso, dali dali na nga ako para umabot sa misa. Sige lang ng sige paglalampaso, paghinihingal, tigil muna sabay birit ng isang awiting narinig ko sa radio ng gwardya. Parang istorya ni Bugoy ano? Yun nga lang, hehe hinddi ako pinalad. Hanggang dito na lang siguro ako sa pasilyong ito. Naku, pumutok na ang araw, alas sais na siguro, hala na, just wrap it up and go. Tinabi ko na ang mga gamit pagkatapos at umakyat na sa likod ng chapel para magserve. Nakakatuwa naman, pagkatapos ng hirap ko sa pasilyong iyon (salamat sa tulong ni Lord) ay natapos ako agad para umbaot sa banal na pagdiriwang. Kahit tagaktak ang pawis ay sige lang ang bihis ng puting sotana. Binihisan ang pari at nagsimula na.

Nagsimula ang araw ko sa isa kong panalangin na sana ay umabot ako. At habang pinakikinggan ko ang paring nagmimisa, (oo sya uli ang paring iyon J) nakarelate ang lolo nyo sa kanyang mga sinasabi. Ayon sa kanya,

“Ako ay mayroong misa kahapon sa isang liblib na lugar sa Candelaria kung saan kailangan mo pang umakyat ng bundok, at mag lakad ng pagkahabahaba sa isang maputik at matinik na daan. Mahaba ang nilakad ko, inalis ko ang aking mga sapatos dahil maputik ngunit matinik naman. Pero sa gitnang aking paghihirap ay aking napagnilayan at sinabi sa mga taong doon na napaka swerte ninyo. Dahil mapagninilayan ninyo ang mga bagay bagay sa mahabang lakarin na ito. Sabi ko sa aking sarili, kahit mahirap maglakad, ay alam kong may mga taong naghihintay sa akin para makinig at makisalo sa banal na pagdiriwang.”

O diba parang narinig na nyo ang kwentong yun, kung hindi, simulan mo uling basahina ang entry ko. Hehe. Parang tadhana napinagtagpo an gaming napagnilayan. Buti na lang at nanalangin ako kanina, malaki talaga ang nagagawa ng panalangin. Kahit sa mga taong nananalangin lang pag kailangan. Nagpasalamat naman ako sa Kanya kanina sabay lakip ng sa uulitin. Heheh masaya lang ako ngayong araw dahil nalinis ko ang pasilyo, walang magagalit sa akin at sasabihing hindi na naman ako naglinis, nakapag samba ako, nakapagserve, nakapagnilay, at higit sa lahat dinulugan ang panalangin kong napakasimple. Sana po bukas uli. Sa uulitin.

Bukas ng umaga, nawa ay magising na naman ako, makaligo at makapagsabon ng maaga, lahat naman ng ginagawa ko ay inaalay ko sa Kanya. Para masaya at maging madali ang lahat. Pag naman natapos mo ay nakow… para kang nakadrugs sa gaan ng pakiramdam. Masaya at nakakagana. Subukan mo ding maglitaniya pag umaga, masaya yun pramis.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on October 22, 2008, in religion and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. Naalala ko tuloy yung buhay ko dati as an MG. Nakaka-miss din palang bumangon ng maaga. Samantalang dati-rati, eh kinaiinisan ko yan at tinatanong ko sarili ko ng “bakit ko ba ginagawa ‘to?” hehe! Pero, seryoso, totoong nami-miss ko ang buhay-MG.

    Musta na? Sino ka nga pala? Ba’t mo ‘ko kilala? Naabutan mo ‘ko?

    Nice post, by the way! 🙂

  2. sino yung pari?

    nagmisa siya sa candelaria… malapit kami dun…hehe. 🙂

    taga quezon ka ba?

  3. hey! taga lucena ka? ako din eh. 🙂 san ka sa lucena? thanks nga pala sa pag iwan ng comment sa blog ko. have a nice day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: