Ano ko? Lamok?!

Alam mo ba kung ano ang karma? Yun ang mga katumbas ng lahat ng ginagawa ng isang tao. Maging mabuti man ito o masama. Rewards siguro sa mabuti at consequences naman ng mga maling desisyon. Ang karma ay nananapak ng mga walang malay na gung gong na puro kalokohan ang alam. Tulad na lamang ng nangyari sa akin ilang araw lang ang nakakaraan. Ito ang mga nangyari:

Isang regular na Linggo, habang kakaunti pa ang tao sa aming chapel, isang araw na naman ito ng pagsasakristan at paglilingkod sa Diyos. Sa nakaraang linggo, wala ang pari na regular na nagmimisa kaya isang pari ang pumalit muna pansamantala sa kanya. Wala masyadong kakaiba sa araw na ito. Berde pa rin ang national color ng pagdiriwang ayon sa pinakapipitagang “Ordo,” ganun pa rin ang lalagyan ng holy water na hawak ng isang rebultong anghel. Tuyot pa rin at tanging panamampalataya na lamang ang bumabasa sa mga daliri ng nasimba. Walang masyadong iba hindi ba. Yun din ang akala ko.

Maagang dumating ang pari. Dahilan upang magkalibumbungan kaming mga sakristan sa pagbibihis sa kanya at paghahanda ng mga gamit. Nasanay na kasi kami sa dating pari na lagging huli. Pabor naman sa amin kasi mas matagal ang oras para sa paghahanda. Pagkabihis ay kanya kanyang kuha na ulit ng mga gamit. May kumuha ng bell, ng incense boat, ng isa pang bell, at naiwan ang mga kandila. Hay, palibhasa maraming gawain sa altar ang kandila sigi na kunin nyo na. ayun di naglaon maayos na ang lahat. Kinuha rin ng dalawang bell boys ang kandila. Ako, akin ang insensaryong maliit na wari ko ay mapuputulan na ng tanikala dahil sa natupok na ng init ang kabitan nito. Nagdasal na lang ako na tumagal pa ito kahit isa pang misa. Binabasa na ang panimulang pagbasa, magsisimula na kami, hala pila na at mamartsa na tayo patungo sa altar. Ako ang mauuna pero bago yun, pausok muna padir, inabot naming ang Bangka, sinalinan ang insenso at naglabas ito ng sandamukal na usok. Lumayo si padir habang nagsasayn of the cross ng mabilis. Takot ata sa usok at baka sipunin. Hinayaan na lang naming at kami ay lumakad na.

“Sa hapaag ng Panginoon, buong bayan ngayo’y nagtitipon,” “kriiing”, “Kriiing” Bow, lakad ulit. Nakatayo na kami ng aking Bangka (incense boat) sa tabi ng pari para sa pagbabasbas ng altar, pero hindi kami pinapansin ni padir, naku, ayaw nga sa usok nito, nangawit na kami kaya, iniwan na naming, grabeh nakakahiya naman yun, tumayo kami at naghintay, di man lang sinabi sa amin na hindi na. di bale marami pang pagkakataon na makapaglalabas ako ng sandamakmak na usok. Nababanguhan kasi ako sa amoy ng insenso, gustong gusto ko na napupuno ang buong chapel ng manipis na kulay ng insenso. Nagpatuloy ang misa, babasahin na ang mabuting balita kaya gaot na naman ang mga usok boys kasama ang kanyang Bangka. Sa wakas naamoy ko na naman ang insenso. Halata kay padir na nauusukan sya kaya inikot ikot ko ng kaunti para kumalat ang usok ayos lang ang lahat, masayang nagpatuloy ang banal na pagdiriwang.

Natapos ang iba pang bahagi ng misa at panahon na para sa Consecration, lalakad kaming lahat sa unahan at magpapausok ng bonggang bongga. Habang nasa likod, sabi ng aming sakristan mayor, lubusin nyo na ang pausok, huli na yan. Sige lang sabi ko bahala na. pag dating sa harap ay binuksan ko na ang insenso na puno ng nagbabagang uling, nilagyan ito ng Bangka ng isang kutsaritang insenso at inakupow, nagusok nga ito ng pagkarami rami, pandali sa wagayway ng insenso sapagkat kung hindi, mababasbasan pati kalooblooban ng baga namin. Maya maya pa ay nakakita ako ng mga itim na bilog bilog sa sahig. Ano kaya ito? Hinawakan ko ang isa, kumakanta pa naman ang pari. Aray ang init!! Anak ng tipaklong, napatid na nga ang kadena ng insenso patay, anon a ang gagawin ko?! Itataas na ito in 3, 2, 1, “pare wag mo na itaas sunog na ang sotana mo o, baka madagdagan” bulong ng katabi ko. Hindi ko alam ang gagawin, natulala na lang ako at natanga sa mga sunog na parte ng sahig at ng aking damit. Nang magkaulirat, pinilit kong isabit ang kadena, at itinalang ko ng malumanay para mabasbasan ang alak. Grabe nakakahiya, kinutsara pala nila ang mga uling pabalik ng insenso para walang gaanong proweba. May konting sunog lang na naganap pero, lahat ligtas kami. Walastik talaga sunog ang sotana ko, buti na lang hindi ako nakipagpalit at malamang yung kanila pa ang nasunog ko. oras na, kailangang magpatuloy ng misa. Binaliktad ko lang ang aking damit at humada na sa harap ng altar upang maghawak hawak ng kamay para sa panalanging itinuro ng ating Ama. Ang daming nagnyareng kakaiba at nakakagulat. Tinaanan ko na lang, yun na siguro ang funny moments ko sa pagiging sakristan. Hay buhay nga naman.

Pagkatapos ng misa, rumampa na naman kami pabalik sa likod ng chapel. Naiwan ang pari dahil dinumog sya ng napakaraming fans na gusto magbless. Kami, nakangising pumunta sa likod at nilabit ang aming “Please Help Build our Seminary Donation Box.” Walang nakahalata sa mga nangyari at ang nakakita lang ay kaming mga sakristan, ang dalagang nagpoproject ng lyrics ng mga kanta at ang Dyos. Nagtaka na lamang ang mga madre kung bakit walang bas bas ng insenso sa Host at kung bakit may itim itim sa harap ng altar. Hahah ang saya, hindi kami napahiya sa harap ng sambayanan. Buti na lang hindi napatid nung tao ang binabas basan ko. 5 seconds of fame and misfortune sana.

Nagtatawanan lang kami habang bumababa, nagsisisihan, gawa daw ng sakristan mayor na nagbalak ng masama sa pari, gawa daw ng mga staff sa chapel dahil sa burat na insenso, gawa ko daw kasi adik sa usok, pero ang pinagkaisahan namin ay ang paring hindi nagbasbas ng altar dahil ayaw mausukan. Sa susunod na linggo,nawa ay bago na ang insenso kung hindi, magbabasa na lang ako. ganito talaga ang buhay ng sakristan, iba ang istorya sa mga nagsisimba, malumanay kahit taranta, nasusunugan pero masaya.

Peace be with you.

Greetings to Fr, Warren Puno, ang ganda po ng homilee nyo nung araw na yun.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on October 13, 2008, in religion and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. hala ka isusumbong kita, sino ba ang chapel director nyo…matextan pala, sabihin mo pati ang schedule ng misa na nag sasakristan ka, sasabayan ko ng text message para talagang babatayan ka sa pag iinsenso mo, hehehe

  2. secret hehe they know nothing but the fact that the insence is broken… maybe we get to use the new and bonggatious golden insence. hehehe kinakalawang kakatago eh 🙂

  3. haha… natuwa ako sa kwento mo

    ewan ko ba kung bakit

    bakit ba kasi bonggang bongga ang pagpapausok ng insenso
    tsk tsk

    buti naman walang masamang nangyari

  4. You are what you believed in. Siguro. Kase, may mga tao namang hindi sumisimba pero sinuswerte sa buhay, I mean, nakukuha nila yung gusto nila kahit hindi nagku-krus.

    Yan ang pinaniniwalaan mo, kaya, I guess, ganyan nga ang nakukuha mo in return saa buhay mo, tol. hehehe.

    Yes, I believe in karma. Lahat ng desisyon natin may kaakibat na sukli. Masama man o mabuti. Kung pumatay ka, edi makukulong ka. Ganon lang yun. hehheehe.

    KOA ako dati pero hanggang ngayon, di ko pa rin ma-get kung bakit kelangan ng insence sa misa. hehehe.

    Para san ba yun?

  5. paano ba maging isang lamok,
    gusto kung maging lamok upang makalapit ako sa aking crush kahit mamatay man ako atless nakalapit ako sa kanya ….hehehe
    plz. tell me how to be a mosquito!!!!
    i will wait……………..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: