Ang Paglisan ni Kikay

Sa gitna ng mga balagan, sa tabi ng palayang luntian, sa ilalim ng malaking punong mangga at sa ilalim ng toldang tinukuran ng dos por dos, naroon kami ni Kikay, mahimbing na natutulog sa kabila ng alikabok at kwitib na gumagapang sa aming mga katawan. Kung kami ay pagmamasdan, para kaming pinagbuntunan ng galit ng sanlibutan ngunit naroon, sa aming mga mukha ang saya dahil sa kabila ng aming itsura, kasama naman naming ang isa’t isa.

Lumaki ako sa mumunting baranggay ng Lutucan I, Sariaya, Quezon. Kung saan sikat ang sandamakmak na niyog at buko kasama na ang ipinagmamalaki naming dagat sa Guis Guis. Payapa at tahimik ang buhay doon. Hindi mo mamamalayan na nagkakagulo na sa mga lunsod at gumugulapay na sila sa hirap dahil dito, kahit gaano magmahal ang ampalaya, ikinatutuwa pa. Pook taniman kasi ang lugar na ito, ampalaya, sitaw, kamatis, petchay at iba pang nasa bahay kubo, lahat meron dito. Kaya nga naman hindi ako nagutom habang lumalaki. Nung lumaki na lang ako, saka nagkulang ang supply ng pagkain sa lungsod, may bayad na kasi. Nakakamiss ang mga araw, balik tayo kay Kikay.

Si kikay ang kaibigan ko habang lumalaki, magkasama naming binuno ang mga hamon ng isang bata at nagdadalaga. Hehe oo babae si Kikay. Sa paglipas ng panahon, wala kaming pinansing problema ni Kikay. Masaya kaming kumakain sa ilalim ng mga balagan kasama ang aking mga lolo at lola. Sinusubuan ko pa sya ng ginisang kamatis na may tuyo. Mamumura pa nga ako ng aking lola dahil kain ako ng kain kahit hindi pa kami naghihinaw. Pagkatapos kumain, ay magtatatakbo naman sa maliit naming bakuran na puro carabao grass, magpapagulong gulong, at makikipaghamagan sa aking kaibigan. Pati kagatan ay pinapatulan ko si Kikay, masakit mangagat eh, ginantihan ko. Tuloy lang ang saya kahit mapadapo ka sa isang bunton ng ulandis at papakin ang iyong paa hanggang mag itsura itong nilabong kamatis. Masakit noon ang kagat ng langgam kahit naman ngayon. May mga panahon ding huhulihin ko lahat ng salagubang na makakaya ko, na karaniwang nauuwi sa pagaaway namin ni Kikay. Kinakain nya kasi ang mga salagubang na napakahirap hulihin. Hindi pa ko nakakadampot ng isa ay naisubo na agad ni Kikay ang mga salagubang. Naaalala ko pa nga nang subukan ko ring tikman ang mga iyon. Hindi ko itinuloy, nagsugat na kasi ang labi ko nung nakakapit pa lang ang salagubang. Nag iyak nga ako sa sakit, hindi ko na nakagat. Hay si Kikay nga naman pagkakalamog, pati ako tuturuang kumain ng kung anu-ano, bata eh, walang magagawa ang mundo. Ganun kami kasaya nuong araw, na nagging mas Masaya pa nang unang magkaanak si Kikay. May katandaan narin kasi ang bruha, nagkaanak sya ng tatlo na masaya naming kinupkop. Sa wakas, dumami na ang kalaro ko. Lingid sa aking kaalaman na kapag pala nabubuntis, ay nagiging moody, nang minsang pagtripan ko si kikay ay nagalit sya sa akin at sinigawan ako. Isang lingo ko syang hindi pinapansin. Mga anak na lang nya ang mga kalaro ko.

Lumipas ang mga araw, ang dati naming bonding ni Kikay ay nawala. Nagbago na sya, talagang nagbago na. napansin din ito ng lolo at lola ko. Hindi na naming sya isinasabay sa pagkain, minsan hindi sya nakakatikim ng hapunan. Madalang na din papasukin ang kaibigan ko sa loob ng aming bahay. Minsan, isang gabi na naman ang lumipas na gutom si Kikay. Nang kami ay tulog na ay dumaan sya sa bintana at pumunta sa aming kusina. Doon nya nilapa ang natira naming ulam. Nagising ang aking lolo sa ingay ng mga pinggan at sa sobrang gulat at galit ay nahampas nya ng tambo ang nagugutom na nilalang. Umiyak ng malakas si Kikay, nagising din ako. Nang Makita ko ang dumudugo niyang ulo ay umiyak na rin ako. Naawa, bakit kasi nagnakaw ka pa. kung hindi o ako inaway noon di sana ay maayos pa ang samahan natin. Masaya sana tayong naghahapunan ng sabay sabay. Kawawa naman si Kikay, naghihingalo na.

Kinabukasan, medyo maayos na ang lagay ni kikay. Hindi na lang ako ang inaaway nya lagi. Kaming lahat na. sa sobrang galit nya, lagi kami sinisigawan tuwing kami ay makakasalubong. Natakot ang lola ko sa kanyang iniaasal, kaya inilayo na sya sa akin. Kung dati ay halos tabi kami sa pagtulog, ngayon ay nasa labas sya ng bahay, sa isang mumunting barong barong na ginawa ng lolo ko. Hindi ko na sya nakikita. Araw araw ko naririnig ang kanyang pag iyak. Pati mga anak nya ay pinababayaan na niya. Lumipas ang mga araw at si Kikay ay nawala na sa sarili. Lagi na syang tulala, lagging balisa. Hanggang sa isang araw, nilisan na kami ni Kikay, isang payapang mukha ang iniwan nya sa amin habang sya ay nahimlay sa malamig na lupa. Iniwan na ako ng mabantot kong kaibigan, lumisan na sya papunta sa mas mabangong lugar. Hindi ko ito nasaksihan dahil nasa Lucena na ako at nag aaral ng grade 1.

Limang taon ang lumipas, binalikan ko ang aming mumunting baranggay. Sa gitna pa rin ng balagan ng iba’t ibang gulay, sa tabi ng bago at luntiang palayan. Sa ilalim ulit ng punong hitik na hitik sa Indian mango, at sa ilalim ng ngayon ay sira sira nang tolda na tinukuran ng inaanay na dos por dos. Doon nakahimlay ang alaala naming noong araw. Mga alaalang hinding hindi ko malilimutan. Kahit na naliligo kami sa gabok at kwitib, isinusubo ang mga salagubang, at magkasama sa kalokohan, hindi mawawala ang pinagsamahan namin ni Kikay.

Ang natira na lamang sa aming pagkakaibigan ay ang mga alaala ng aming nakaraan. Marami nang nagbago sa barrio naming ito pero di parin mawawala ang alaala ng pinakamatalik kong aso. Na para sa akin ay pinakamaganda at pinakamabait na bespren ko. Kung sa bagay, naandyan pa naman ang mga anak nya na malalaki na rin. Sila na lang ang magpapaalala sa akin sa aking kaibigan.

Kikay, nasaan ka man, hindi ka man marunong magbasa, para sa iyo ang entry na ito.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on October 7, 2008, in emote and tagged , , , , , . Bookmark the permalink. 4 Comments.

  1. sa unang paragaf talagang akala ko ay may swithart ka na na iniwan sa Lutucan. Doggy pala. Ang dami ko nang nalimutang mga salita na pinaalala mo. Kwitib. Wow, salita pa talaga yan ng lola ko eh. Nung banggitin mo ang Gabok, talagang naalala ko ang mga pag-sakay sa Dyip papuntang GuisGuis, ay makukunsumi ka sa alikabok na nagiging baby powder at gel mo. Nagutom din ako sa nilabong kamatis. Ang sarap talaga ng buhay Sariaya. Ay syanga pala, bisitahin mo si Jubert sa Sariaya.Net. Mayroon ding mga artikels doon na tungkol sa Sariaya.

    Salamat sa mga alala ng Sariaya. Salamat sa pag-bibigay buhay sa isang pook na malapit na malapit sa puso ko.

    Ingat.

  2. hmmm… kikay?! magandang pangalan… sinong nag isip nun?
    tama ang ‘yong kaibigan kahit Ako kala ko kung sinong babae yon.
    nakakatawang isipin na muntik na kong mgselos sa iyong mga pinagsusulat
    kung paano mo nilarawan ang inyong pagkakaibigan, medyo naghinala lang ako pagdating doon sa parte kung saan kumain sya ng salagubang. SALAGUBANG?!!!? kahit naman siguro sinong Bata tapos babae pa eh hindi maaatim kumain nun… ieeeeeeeeeeeeeewwwwwwww… mabuti na lang at hindi mo sinubukan… hehehe… ahmmm.. pero habang nagbabasa ako biglang bumalik sa aking gunita ang aking kabataan. Ang sarap maging bata muli. At masayang balikan ang nakaraan.

    magpost ka pa ng marami ha… para madami pa kong mabasa..hehehe.

  3. dahil sa dog lover ako, naappreciate ko kwento mo^^ hehehe, lurve it!

    hahaha!,, ang daming gustong sbhin ng kwentong to kung magging maisip ako, kahit ang entry na to ay para sa iyong aso.. =) nice one!

  4. sige nga one time lang maging maisip tayo,,, ano aman yun?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: