Sa Pananakop ng Kadiliman

Hala takbo, mag ingat ka at baka bagsakan ka ng mga pasabog ng kalikasan, nakapwesto na sila, nakahanda, at naghihintay na lamang ng dadaan. Pag sila ay nakaramdam, “Fire in the hole!!” pag mamalas malasin ka, headshot ang dale mo. Wala silang sinasanto, masasakyan, nakatigil man o hindi, mga tindero, tindera, bike, tricycle, mga dumadaan, mga student o mga bata. Basta pagsapit ng dapit hapon hangang sa dumating ang bukang liway way, hihintayin ka nila.

Ito ang buhay sa Quezon Avenue pag sapit ng dilim, maraming mga anumalyang nangyayari, mga kababalaghan, misteryo at mga kung anek anek na sa gabi mo lang makikita. Gusto mo ba malaman kung anu ano iyon, try mong maglakad ng gabi at makikita mo ang katotohanan, kung ano ang mayroon ang ating bayan na wala ang iba. Dito lang yan sa Lucena. Hindi ko ito isinulat para siraan ang bayan, sinulat ko ito para gisingin ito.

  1. Sanctuary

Sa nakaraan kong post, nailahad ko ang aming interview sa ilang mga pulubi, dito naming nakita ang katotohanan sa likod ng simbahan. Kung ikawa ay pulubi, wala kang tirahan, pagkain, magulang at tubig, san ka pupunta? Naisip ko na kung may pananalig ang mga ito, sa simbahan ang punta nila, alas siete ng gabi, tinahak ko ang St. Ferdinand Cathedral pero walang pulubi o street dwellers kaming nakita. Sa umaga lang pala may mangunguhit sa iyo at manghihingi ng piso. Sa umaga lang pala may mga nagtitinda ng bulaklak, kandila at iba pa dito dahil pagsapit ng gabi, Valentines day ang Cathedral. Dito ng pupunta ang mga magkasintahan, magkatipan, magkaibigan na hindi mo alam ang pakay kung bakit sa dilim nagtatago. Kumpleto dito ang lahat ng klase ng couple, may HHWS(sitting) merong mataba at paya, may parehong mataba o payat, maerong parehong lalake, meron din naming parehong lalake. Natawa na lang ako ng Makita ko na partner partner sila lahat. Napatingin tuloy ako sa kasama kong lalake, baka isipan nila mag partner kami. Inanang ko pong mahabagin bukas na tayo mag interview inaantok na ko. Tara na bilis….

Sa pagsapit ng alas siete, ito ang iyong sanctuary, ang Saint Ferdiannd Cathedral.

  1. Pots and Bowls

Ang ilang bangketa na makikita mo sa umaga, ay mapupuno ng mga mesa na nagiinit. Mesa na nagmula sa mga kariton, mesa na may dalawang malaking butas, lalagyan ng KALDERO, hindi kaldero ha, KALDERO po. At paiinitin para sa masarap mong mami o lugaw. Kung sa may palengke ng sariaya ay dinadayo ang mga lugawan at mamihan dahil sa haling nito sa gitna ng malamig na gabi, iba nag meron ang Lucena. Sa isang lugawan, na katabi ng kinainan kong lugawan na hindi ko na babanggitin kung kanino ay may ibang dinadayo. Ibang init kung baga, hindi lang init sa dila kung hindi init ng katawan. Inay ko! Gaano kadaming sili kaya ang ilalagay mo sa iyong mami para maginit ka ng ganito. Alam naman nating talamak na ang prostitusyon sa ating lipunan ngunit ito ang una kong encounter sa actual na pambubugaw. Isang lalaking nakamotor ang sinaklangan ni ateng maikli ang suot. Sabay sabi na “akin muna itong alaga mo ha, ibabalik ko mamaya.” At humarurut na ang durubong mama. Nakaalis na ang dalagang dinakip pero ang nasa bibig pa rin ng maglulugaw ay pambubugaw pa rin. May isa daw syang binubugaw na ayaw magtrabaho hanggat hindi kasama ang kaibigan nitong bakla. Kaya pinaghiwalay daw niya ito at hindi naman daw kasi kikita ang babae ng may kasamang buntot. Ito lang ang mga narinig ko. Hindi pa ako nag usisa ng lagay nito. Di ko nga napansin na dinadale na ng katabi ko ang mami ko, buhay nga naman. Napakagulo sa harap ng mga higanteng KALDERO at mumunting mangkok na may lamang napakaunting mami.

  1. Under Cut

Ito ang kasunod, kung ikaw ay napapagkamalan nang ermitanyo, napapagkamalang hayop, napapagkamalang goons, o napapagalitan na ng student affairs sa kahabaan ng iyong buhok, dito ka dapat magpunta. Sa pinakamalaking pagupitan sa Quezon Avenue. Di ko na sasabihin kung anong pangalan. Basta dito dati nakatarak ang KFC na bago iyon ay kinatatayuan ng isang bangko na ang nasa ilalim ngayon ay isang ukay ukay. Sa pagupitang ito, pagsapit ng dilim, at sa pagsasara nila, doon nagpupunta ang mga Emo ng Lucena kung tawagin. Sila yung talagang mga mukang Emo, na nakakatakot kahit di ka inaano. Kasama nila ang kanilang mga irog at sa hagdanan ng pagupitan sila nag… nag… nag ii… nagiistay. Andami, yung iba kumakain ng lugaw sa tapat, yung iba nasa hagdanan lang, nagkukulitan at nagyoyosi. Sa tuwing mapapadaan ka dito, titindig lahat ng buhok mo sa kili kili yun ay kung payatot kang katulad ko. Muinsan ko lang sila nakita dun, hindi ko na binalak na tingnan kung nandun sial ulit baka hindi ko na mailahad ang buhay sa Quezon Avenue kung magkaganun man. Sa tingin ko, sila yung mga walang matulugan, naglayas, napalayas, o talagang gusto lang nila mabuhay kasama ang barkada nila. Kung tutuusin dapat nagaral sila sa umaga at natutulog sa gabi baka kasi hindi lang pagtambay ang nagaganap. Malay natin kung nasangkot na sila sa ipinagbabawal na gamot at hanapbuhay, dapat siguro matingnan ito ng DSWD. Hanggang gayun na nga, ang pagupitan, nagiging tambayan ng mga kailangan na magpagupit, maligo at matulog. Nangyayari yan sa Quezon Avenue pagsapit ng gabi.

  1. Look there’s a Kracken in my Buko Juice.

Sa lahat ng mababanggit ko, ito ang pinakamasarap, kung sa kapanahunan ni lola, ay balot ang gumagala sa gabi, sa kapanahunan ni nanay at tatay ay nauso ang isaw, kwek-kwek at BBQ, sa kapanahunan ng kuya mo ay nauso ang balat ng manok na nilagyan ng harina at ipinirito, sa panahon ngayon, pusit ang naghahari sa bawat kanto ng Quezon Avenue. Tuwing magtatakip silim, naghanay na ang mga kariton ng mga mag kakalamaris, bitbit ang kawa nila na puno ng kumukulong mantika, na pinaglalanguyan ng mga pira pirasong pusit na maya maya lamang ay magpipirapiraso na sa tiyan mo. Sa halagang P3.00 isang bilog, isang galamay basta isang piraso, may instant kalamaris on a stick ka na. wag ka lamang lalapit masyado sa kumukulong kawa dahil pag pumilantik ka ay daig mo pa ang kinalamaris sa sakit. Kailan lang ito nauso at napagtri[pan namin na imbis na bumili ng madami sa isang tindahan ay bibili na lang kami ng isa sa bawat kanto na may pusit. Ang saya ng buhay, kulang na lang ay ang matipus kami sa araw araw na pagkain namin nito. Kung masyadomg mahaba ang galamay ng pusit na dali dali mong isinubo dahil maglalakad ka pa, tumingin ka lang sa kanan mo at may kariton ng buko juice na naghihintay sa iyo. Kung maluugan ka, ligtas ka na sa limam-pisong inumin na lasang tubig. Ito ang hindi namin pinagtripan. Iinum na lang kami ng tubig, ganun din naman ang lasa. Hmmf.. kung inaakala nyo na sa dagat lang lumalabas ang mga lamang dagat na ito, sa Quezon Avenue, lumalabas din, pagsapit ng gabi.

  1. Dudes and Dudettes

Sa may Georki mart naman, sa mga open parking lot, mga open sidewalks, stairways, o san mang lugar na may mataas na kanto kung saan pwede ka magpalipad ng katawan at skateboard, makikita mo ang mga dudes and dudettes na ito. They are the ones who stays up late habang naghahanap ng sakit ng katawan at adrenalin rush. Magpapa-talon talon, at paliliparin ang sarili kasama ang skateboard habang humihiling sa Diyos ng isang perfect landing. Kung hindi pagpalain, sa Mount Carmel, sa QMH o sa Doctors hospital sila lalanding. Kahit babae ay inaabot ng madaling araw sa mga sidewalk na ito. Ditto lang nila siguro nila binubuhos lahat ng problema nila sa buhay sa pagskate sa bawat hump ng bawat side walk ng Quezon avenue.

  1. Fire in the hole

Ito ang pinakamatindi sa lahat. Sila ang mga dapat mong bantayan. Sila ang nabanggit ko sa unang part ng entry na to. Sila ang lagim sa gabi mo sa Quezon Avenue. Kung naglalakad ka sa Quezon avenue, wag kang tatapat sa kable ng kuryente, lalu na sa pinakamalapit sa poste. Lalung wag na wag kang titingala at babagal bagal pagtawid o paglalakad kung ayaw mo maulanan ng putting lagim ng kalangitan. Tatambad lang naman sa iyo ang isang hanay ng mga nakakikilabot na kumpol ng mga ibon. Ready to drop their arsenals whenever they feel like it. Pag napatapat ka, malas mo, kaya bilisan mo na lang at wag kang titingala mamuka ka pa. ito ang highlight ng Quezon avenue pag gabi ang mga kyut na ibon sa umaga, na nagiging kaaway ng sang lucenahin sa gabi. Minsan na silang lumipat ng dapuan nung bumagyo, pero andito na naman sila at magkakalat ng lagim, sa windshield man ng mga saxsakyan o sa face ng mga dumadaan.

Ito ang buhay sa quezon avenue sa gabi. Daig pa ang Survivor Philippines. Kung magkakaoras ka, baka gusto mo bisitahin at damhin ang lugar na ito. Malay mo magustuhan mo ang local area at ditto ka na tumira. Hehehe. Wag ka lang sa city proper para di ka maperwisyo ng mga ibong makulit. Hala na tama naito. Uuwi na ako at gumagabi na. baka makasalubong ko pa ang mga nagpa Under Cut. Di bale sana kung yung nasa Mamihan pero di bale na lang. Kung ang motto ng bata ay “Ang batang malikot, nakakadampot ng ipot,” ang motto ng Lucenahin, “Ang mga bata at matatandang gala, nabibiyayaan ng ipot” pero ditto lang yan sa Quezon Avenue.

Muli, isinulat ko ito hindi para siraan ang turismo ng lucena kundi para gisingin ang Lucena mula sa pinakamalaking antas ng namumuhay hanggang sa mga naghihikahos na kailangan talaga natin magsikap at magtulungan para sa ikabubuti n gating bayan.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on October 2, 2008, in social and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. ay nakupo andaming kong naalala diyan sa Quezon Avenue, ang pinaka paborito ko ay yung mga makakain, ginangang mais, Buddy’s, bibingka sa tabi ng Simbahan…marami pa, nagugutom tuloy ako dahil na-alala ko ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: