Spanish Bread

Sa gitna ng kadiliman, dumi at usok ng Quezon Avenue, sa gitna ng karahasasn at kalupitan ng kahirapang sinapit ng mga nakikilakad dito, dalawang bata ang napagbuhusan ng isang mabigat na hamon, maaaring dala ng tadhana o kung anu man, hindi ko maikakaila na nang makita ko sila ang habag at awa sa aking puso ay napalitan ng takot.

Gaya ng aming mga tinatalakay sa paaralan, ang kahirapan sa ating lipunan ay hindi maikakailang talagang laganap na. Marami ngayon ang maaari nating tawaging, mahihirap, naghihikahos, mga sawing palad at iba pa na inyong karaniwang makikita sa pinakailalim ng tatsulok kung saan ang natitirang bahagi ng lipunan ay nakatungtong at taas noong nasa itaas.

Sa simula ng aming pagtatanong sa mga batang ito, sumagi sa isip ko na hindi pa nila batid na gustuhin ma nila o hindi, kabilang na sila sa mga taong lansangan. Sabi ng isang bata na mas panganay, iniwan daw sila ng kanilang nanay ng umaga nung araw ding iyon. Mula nang sila’y magwalay ay hindi pa raw sila binabalikan. Hindi pa nga daw sila kumakain ng buong maghapon at ng una namin silang alukin ng tinapay, ayaw nila tanggapin na parang sinasabing wag namin silang limusan at hindi naman sila pulubi. Naiwan lang sila sa sulok na iyon at maya maya, o bukas, o makalwa ay babalikan din… ngunit malamang ay hindi na. kinausap pa namin sila at tinanong, san kayo nakatira, sino ang nanay mo, mga tipong tanungin sa isang natural na interbyu. Isang kasamahan ko ang naginterbyu habang ako naman ang kumuha ng larawan. Hindi ko alam kung bakit simula ng kausapin namin ang mga bata ay napatigil ako at nakipakinig din. Nakalimutan ko na kailangan namin ng larawan. Maya maya pa ay tumambad naman sa amin ang isang lalaki na may katandaan. Tiningnan niya ng masama ang dalaang bata at tinanung kami kung interbyu nga ang aming isinasagawa. Sa takot ng dalwang bata ay tumakbo na sila palayo bitbit ang isang balot na tinapay na kulang pa sa kanila. Takas daw sa DSWD ang dalawa sabi ng mamang bigla na lamang din naawla pagkatapos magtanong. Kung ako ang tatanungin, pumapapel lang siguro yun dahil bakas ang katotohanan sa murang edad ng dalawang bata.

Binalak naming maghanap pa, nagpaikot ikot pa kami sa Quezon avenue ngunin\t ang isp namin ay naiwan at nadala ng dalawang bata. Ang sabi pa nga ng isa kong kasama, hindi ba dapat ay sa pulis natin i-report ang nalaman natin? Hindi ako nakasagot. Natapos ang gabi hanggang sa paghihiwalay ng grupo, ang dalawang bata pa rin ang iniisip ko.

May mga bagay nga pala na maswerte pa ako kung ikukumpara sa ibang hindi pinagbibigyan ng pagkakataon at tadhana. Sabi ko noon kawawa naman ako at kakaunti lang ang nakain ko, meron palang hindi talaga kumakain, akala ko noon kawawa na ako dahil lagi akong sinasaway ng aking magulang ngunit meron pa palang itinatanggi pa ng magulang nila at iniiwan sa lansangan. Ang mga akala ko noon na kami na ang pinaka ay napalitan nga pag aalala sa mga talagang walang magawa kundi tanggapin ang kanilang mga sinasapit sa kalsada. Tama nga pala ang mga nileleksyon namin sa RE, kung ikaw ay ansa ilalim ng tasulok, tumingin ka sa ibaba at may nasa ilalim pa. Maswerte pa nga pala ako at nakikita ko ang mga ganitong bagay at alam kong mayroon akong magagawa.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on September 19, 2008, in emote, poverty, social and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 3 Comments.

  1. ano ang magagawa natin? ang iyong pagsusulat ay makakapagbukas ng isip ng ilan. nakakaawa talaga. ano ba talaga ang sagot sa sakit ng lipunan? mahirap itong sagutin ngunit may magagawa tayo sa maliit na mundong ating ginagalawan.

  2. Nais man nating baguhin ang sitwasyon ng bansa/mundo ngunit mistulang hindi tuluyang mawawakasan ang mga paghihirap ng maraming tao. Sa totoo lang, nang mabasa ko ang gawa mo, nasabi ko sa sarili ko, maswerte pa pala ako at nakakakain ako ng 3 beses sa isang araw, may maayos na trabaho at buo ang pamilya. Kaya naman kung anu mang problema ang harapin ko sa buhay at nagmimistulang sisiw lang kung ikukumpara sa mga pinagdadaanan ng ibang tao tulad ng dalawang batang nakausap niyo. Nasaan na kaya sila, siguro ngayon ay palibot-libot pa rin sa lansangan, naghahanap ng makakain, hinahanap ang mga magulang. Nabanggit mo sa post mo na parang hindi pa nila tanggap na sila ay nililimusan, ngunit sa palagay ko, sa mga oras na ito, tanggap na nila ang ideyang kailangan nilang magmalimos para lamang mabuhay. Sana’y patuloy pang mabuksan ang isip ng mga tao ukol sa isyu na ito.

  3. ganyan talaga ang buhay. may sawi, may bigo pero may wagi. Pero lagi nating tatandaan na anuman ang kahinatnan ng ating buhay, dulot ng lipunang tila wala pakielam sa mga naghihikahos, ay ang mahalaga ay marnong tayong magpasalamat sa laht ng bagay na dumarating sa atin

    ipagpatuloy mo palaboy ay iyong magandang uri ng pagsusulat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: