Talangkang Nagpupusoy

Sa isang dormitorryong tinititrahan ng labing isang payat at isang matabang lalake, apat ditto ang may angking kaadikan sa baraha. Kung ano man ang laruin nila, ungguyan man o solitaryo, sama sama silang nagtitiis ng gutom, inip at bugnot dahil sa mga problema nila sa buhay gamit ang barahang ninakaw ng isa sa isang lamay ng kamag anak. Isang gabing nakakainip, nakakagutom at nakakabugnot, ang apat na bidang payat ay dumali na naman ng pagbabaraha. Katatapos lang nilang magdasal kaya hindi na muna sila nagpustahan. Hay, buhay nga naman wala talaga magawa sa buhay eh, kaya naisipan nilang mag pusoy.

Marunong ka ba magpusoy? Pusoy Dos kung gusto mo ng mas specific na laro, o ano marunong ka? Kung hindi, narito ang sinabi sa akin ng paulit ulit ng tatlong payat sa tuwing isang bagong laro ang hindi ko alam…

“TUTURUAN KITA”

Nang likhain ng Diyos ang tao, ibinigay nya sa kanila ang lahat ng kailangan nila para mabuhay. Kasama na ang pagkain, pagiisip, talento at marami pang iba. Ibinigay niyang lahat lahat sa tao, bawat isa pantay pantay ng nakuha kahit iba iba ang natanggap.

*Nagbalasa ako, at ipinamahagi ang lahat ng baraha sa aming apat, walang itinitra ibinigay ko lahat. Bago ka matuto, narito ang sunod sunod na ranggo mula mababa pataas. Sa simbolo, ♣, ♠, ♥, ♦. Sa balyu naman ng baraha, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, J, Q, K, A, at 2. ang tumatagintingna dos.

Ang mga tao naman na hindi hinadlangan ng kanilang lumikha ang syang bahala mag paunlad ng kanyang buhay, mula sa pisikal, mental at ispiritwal, gamit ang mga biyayang ibinigay sa kanya. Gamit ang pagsisikap, ang maliit niyang nagagawa ay unti unti niyang napapalaki. Ngunit, may ibang tao na gustong humigit sa kanya, kaya gagamitin nya rin ang kanyang mga biyaya upong tumaas at hilahin ang iba pababa. Hanggat walang humahadlang sa kanya ay siya ang maghahari, kung sakaling may humadlang gaya ng mga pulitikong napapanood nyo sa TV, gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan para higitan sila. Para nasa taas na uli sila. Para sila ang maghari, at para sila ang makalabas sa timba at maiwan sa loob ang mga kapwa nila talangka. Ang tawag dito sa katangiang ito ng ilang Pilipino ay crab mentality. Apakan, hilahan, sipitan, gapangan, kurutan, harutan at kung ano ano pa para lang makaalis sa isinumpang timba ng mangingisda. Sa timbang iyon naandun lahat ng mga talangkang minalas at nahuli ng lambat o ng kung anuman. Naligaw man ng landas o kumapit sa patalim kaya nasadlak sa timba ng kahirapan. Ngayon sila ay naghihikahos upang iangat ang sarili at makatakas.

*Magsisimula ang laro sa 3♣ ang pinakamababang baraha, itatapon ito sa lapag gamit ang ibat ibang istilo at gamit ang iba pang baraha. Ibat ibang istilo, ibat ibang ranggo ikaw na ang bahala basta maubos mo ang hawak mo.

BIGAY/PADALOY

Isa isa lang ang bigay hanggat ang itatapon mo ay mas mataas sa itinapon ng kalaban mo.

PAR

Dalawang magkapares na baraha 22♠

TRIO

Tatlong magkakapares na baraha 22♠ 2

KWADRA

Apat na magkakaparehas na baraha 22♠ 22♣

STREYT

Limang sunod sunod na baraha kahit iba iba ang simbolo J♠, Q, K, A♣, 2

PLASIS

kahit anong limang baraha na parepareho ang simbolo  3, 5, 7, 10, J

PUL

Tatlong magkaparehong baraha (isang trio) at isa pang dalawang magkapareho (isang par) J, J♣, J♠ + 2, 2♣

ROYAL PLASH

Limang sunod sunod na parepareho ang simbolo. J, Q, K, A, 2

Natalo na naman ako, babalasa na naman. Binuksan ng kasama kong payat ang TV kahit bawal. Tumambad sa amin ang naglalakihang ulo… ng mga… balita, naruon ang mga Pilipinong gumagapang na sa hirap at ang mga Pilipinong halos maglangoy na sa pera. Nakakalungkot isipin, na ang tanging naglalaro na lamang ng pusoy ng buhay ay ang mayayamang gaya nila. Dahil wala nang maibato ang mahihirap na ito sa lapag ng mesa, nananatili silang walang magawa, kahit gustuhin nilang magbaba at atuhan ang pagkakataon ay hindi nila magawa. Gumagapang na sila dahil ito lang ang kaya nila, dahil hanggang ganito lang ang nagagawa nila at dahil 3♣ lang ang hawak nila di gaya ng mayayaman na may pera, talento at syempre nasa kanila ang 2. May isang ibinalita na nakaabot na sa taluktok ng kanyang pagunlad. Pinagkaguluhan, tinilian, sinigawan, binatikos at hinangaan. Ang sabi niya, “Pare( sa kanyang katiwala), ikaw na ang pumalit sa akin, ako ay magreretiro na.” wow ang galing pagkatapos makaalis ng talangka s timba, hinayaan nya ang natirang talangka na magkalibumbungan. Ni hindi sya lumingon, upang higitin lahat sila. Mga talangka nga naman, ang sarap gataan, iihaw, o isigang. Nakakagutom, alas onse nap ala, hindi pa kami kumakain.

*Kung wala kang maitira na mas mataas sa kalaban mo, wala, magpapass ka hanggang magkaron ka ng mahihigitan. In short maghihintay ka lang. kung sakaling matapos ang kalaban mo at manalo sya, at ikaw na ang kasunod, pwede ka magtapon ng kahit ano.

Sa wakas, nanalo din ako. Inilapat ko ang hari ng puso sa mesa, sabay alas, dos at saka ibinaba ang pinakamalas kong baraha. Pagkatapos manalo, wala na akong hawak. Naubos na at wala nang natira sa akin. Ang katabi kong payatot naman ang magbabalasa. Ganun nga ba ang buhay, pagkatapos mong manatili sa taluktok ng iyong tagumpay, ay babagsak ka saw ala kahit sabihing sumikat ka, kahit pa sabihing minsay nasa taas ka, lahat ng iyong pinaghirapang buuhin, lahat ng iyong pinaglabanan ay mawawala. Ang talo naman, ay ang may pinakamarami pang hawak. Siyang nasa ilalim ng timba na hindi makabira dahil sa higpit ng labanan sa gitna ng mayayaman, sya lang ang may natirang aspeto pa ng kanyang pagkatao. Naandon ang pagibig , karunungan, takot sa Panginoon ♠, at kababaan ng loob ♣ na hindi kailanman naalis sa kanya, kahit siya ang inaapakan ng tatlong talangkang payat , hubad, hindi pa nakain at ang inaatupag lamang ay ang magpusoy at magkape.

*kapag naubos mo ang hawak mong baraha, maaari ka na magtext, humigop ng kape, kumain ng sky flakes, tumawa o matulog dahil nakalabas ka na sa timba. Panalo ka na.

O ano marunong ka na ba? Sana ang Pusoy Dos, isa-baraha mo na lang wag na isa-buhay dahil kung isasabuhay mo, masaklap, baka maiwan ka sa timba, sige ka pag ikaw ang naiwan sa timba, ikaw rin ang hapunan ko…

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on September 18, 2008, in games, social and tagged , , , , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 1 Comment.

  1. marunong ako nyan ateng! grade 1 pa lang ako sa baryo siete hahaha na-alala ko to, parati akong nabubulyawan nang aking fadir dahil ala akong ginawa nun mag-pusoy hahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: