OTSOrtunities

Pag minsan, naiisip ko kung ako ay magkakatrabaho pa ba pagkatapos kong mag aral. sa aking pag aaral kung saan ako namulat sa iba’t ibang Gawain na kinakailangan ko sa aking hinaharap. Ganito daw talaga ang buhay ng working student. Kahit nagaaral ka pa lang ay namulat ka na sa tunay na kulay ng buhay, ng tao at ng paligid mo. Alam mo na magtrabaho, mabigat man o magaan, alam mo na kung pano makisama, sa mga bossing mong Jurassic (o hindi J) at sa ibat ibang nasa paligid mo at syempre, alam mo na ang iba’t ibang kalakaran sa kaliwa’t kanang sulok ng bawat pakana ng mga tao sa paligid mo. Marunong ka na magudjust sa mga sitwasyon sa paligid mo, at kaya mo na iiwas ang iyong sarili sa mga sitwasyong sa tingin mo ay magkakalintik lintik ang buhay mo.

Pero pag ba nalaman mo ang lahat ng ito, kaakibat lahat ng teoryang itinuro ng titrser mong maganda, magkatrabaho pa nga kaya ako.

Sa pagaaply ng trabaho, may suggestion ka ba? If the qualifications meet your abilities and standards, go agad. Kunin mo na. malay mo matanggap ka, kung hindi ay maghanap ka uli ng pagkakataon. Pag nakakita ka ng kwalipikasyong katulad ng sayo, kunin mo ulit. Aba kunin mo ng kunin mahirap kasi ang buhay ngayon, may mga tao na dinadaan lang sa pangalan ang galling. Pangalan nila, o pangalan ng magulang, o pangalan ng paaralan na pinaggalingan nila. In short, may hawak silang isang bagay na pwedeng magpabaliktad sa kalakaran ng mundo, may hawak silang otso.

Ang mga nababasa mo ngayon ay mula sa mga naisip ko habang hawak ko ang aking stress reliever, ang baraha. Kasama ko ang isang payat na mamamatay na sa gutom, hindi patay gutom. Kung sa mga nakaraan ay nag tong its kami, nag pusoy, ngayon naman ay ang Crazy 8. para lang itong pares pares, kung ano ang itapon ng kalaban, tapunan mo lang sya ng kaparehong baraha, o kasimbolong baraha. Hala lang ng hala, tapon lang ng tapon pag may kapareho ka, kunin mo lang ang pagkakataon, parang pag naghahanap ng trabaho. Dali lang ng dale hanggang sa maubos, kung talagang hindi ka palarin ay ilabas mo na ang pinakapipitagan mong otso, ang trump card na magbabaliktad ng tatsulok na mundo. Pag nakakuha ka ng otso, pwede ka humiling, pwede mo baguhin ang simbolo ng baraha sa iyong plataporma, para sa ikabubuti o kapapanalo mo o para sa ikatatalo ng kalaban mo.

Ganito talaga ang laro ng baraha, parang laro ng buhay na wala kang ibang gagawin kundi gawin ang lahat upang manalo kawalawalaan na ang manggulang ka ng iba na syang mawawalan ng bente, ng pangulam sa gabi, ng asawa, ng trabaho, ng buhay. Sa ating lipunan, ang mga nakakatapos ng bachelor courses ay hindi lahat nagkakaroon ng trabaho. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa kamalasan nila, katamaran o dahil talagang madami lang ang hawak na otso ng buong mundo. Pero madami pa rin kasi ang inuuto ng mga nagmamagaling na agent ng kunu kunong kompanya kaya ang bagsak nila, sa kusina ng di kilalang restaurant, pag hindi sa entableado, gumigiling, naghuhubad. Anu naman kaya ang kinalaman ng computer na kinuha ni maria sa pagtatangal ng saplot sa harap ng mga manyakis na lasenggo, diba wala. Ganito ang totoong nangyayari sa ating bansa, kung sino lang ang may otso sya lang ang pinagpapala.

Ganun talaga ang buhay, dapat may sarili tayong otso na itinatago sa bulsa. Para pag dating ng gipitan, may ibabato tayo sa tadhana. Wag na tayo umasa sa pulitiko para sa ikauunlad ng ating sarili, kalaban mo rin sila, hindi sila magpapangudngod ng swerte sa iyo, mga otsornidad lang ang ibibigay nila, ikaw pa rin ang bahalang tumanggap non. Gawan na lang natin ng paraan para maging otso ang hawak natin kahit tres ito o dos na baraha. Hindi lahat ng alas, trump card, may otso din ano, lalo na sa larong Crazy 8.

Sa pagsapit uli ng alas onse ng gabi, dalawang payat na naman ang nakatulog dahil sa pagod ng pagbabalasa at katatawa sa mga kung ano ano ng buhay na nakita nila sa gitna ng mga barahang ninakaw pa sa lamay ng aking kamag anak.

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on September 18, 2008, in education, games, social and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: