Tong It na Babeh!!

2:00 am 9/4/08

Naghiyawan ang apat na payat na nakaupo sa isang bilog. Tumatawa ang isa habang nakatingin sa tatlo nyang kasama na lahat ay parang nakatungo. Kinuha ni payat ang pera sa gitna ng bilog at nagdamit na. matulog na kayong tatlo, may field trip pa ako… eto ang pambaon ko oh, singkwenta. Sabay pakita ng barya baryang sinkwenta pesos na nananabog sa palad ng payat na hubad na walang inatupag kundi magkape, sugar free.

Dito magsisimula ang mahabang araw ko papuntang Maynila. Oo, tungkol ito sa isang field trip na pagkahaba haba hindi sa isang sugal na pinagtitiisan ng apat na lalakeng payat.

Nagsimula ang lahat sa klase, may field trip daw, edukeysional naman daw ang field trip dahil seminar ito na naayon sa aming kurso. Gaganapin ito sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman sa Maynila. Nang sabihin ang presyo ng registration ay halos mawala ang interes ko… Hesus patawarin, paulanin mo nawa ng apat na daang piso, kung bahain kami, sa sumunod na araw ay paulanin mo ng limandaan ulit para naman sa pamasahe. Ang mahal pala, hindi ko na inisip kung makakasama ako o hindi dahil kahit ganun kabait ang Mykapal ay hindi papatak sa langit ang apat na daang piso. May pahabol pa an gaming propesor na parang pang akit. Madami daw napapanalunan duon, merong t-shirt, bag, MP4 at laptop. Naku, nadali ata ako ng mga pakana n imam. Kaya humanap ako ng paraan. Ayako mangutang, kasi mahirap magbayad. Lumapit ako sa titser kong isa, sabi ko gusting gusto kong sumama, pero wala akong pamasahe. Sabi nya sige, bibigyan kita ng pampamasahe. Yes! Solve na ang problema ko sa pamasahe. Salamat ser, sisibat nap o ako dadalhin ko na rin yung cassette at tape na ginamit ko para sa nakakaawang background music. Pang register naman ang poprblemahin ko. Sa paglapit ko sa isa uling professor, nakahinge naman ako ng kalahati ng pang register. Igawa ko daw sya ng banner para sa kanyang website, todo payag naman ako. Sige! Hangang sa kumpletuhin ng bestfriend nyang dekana ng aming departamento ang kalahati pa ng pang register ko. Heheh swabe, kompleto na, pocket money na lang ang problema ko. Di na ko naghanap pa ng pampocket money. Baka makulong ako sa kasong kakapalan ng muka eh. Hinintay ko na lang na dumating ang araw nay yun. Nawa ay magkapera ako. Pag wala, magbasbaon na lang ako ng kanin at nilabong saging. J ayos yun!

Naglalakad na ako sa kahabaan ng Merchant St. sa isang Madilim at nakakatakot na madaling araw. Ang daming lasing sa kanto, at andami ring aso, sa sobrang dami, di ko na malaman ang pagkakaiba nila. Hahah. Sana maaga umalis para magkaron ako ng dahilan para matulog at humilig sa katabi kong babae. Hahaha. Pero sa kasamaang palad, alas singko na umalis ang usapan naman ay alas kwatro. Imbyerrna ang lola mo syempre dahil buhay na buhay ang buong van, hindi ako makakahilig nito. Pakshet naman o. ang haba ng byahe, damang dama ko ang haba nito sa sakit ng leeg ko. Natulog kasi ako ng nakalawit ang leeg ko, bumabaling kasabay sa pagbaling ng sasakyan. Pag hindi ay sumasandal ako sa bintana na kakarug karug sa ulo ko. Nag stop over kami sa isang gasoline station. Umihe at mag almusal daw. Ang tangi kong dala ay ang sinkwentang napanalunan ko pa nung alas dos ng madaling araw. Kaya sabi ko sa sasakyan na muna ako. Iniwan na rin naman ako ng kasama ko. Dito na lang ako at magbibilang ng mga taong nakain sa Jollibee. Isa, dalawa, tatlo, nagugutom na ako… papakin ko na kaya yung baon kong maluto? Hindi pwede wala ako kakainin duon. Saka saka nagtaext ang kasama kong layas. Pnta k s jlibee. Blsan mo nkaorder n ko. Wow nakakatouch naman, hindi ko na tinangihan, pinuntahan ko na at masaya kaming kumain ng French fries at burger at coke. Pagkatapos ay sumakay na ulit sa van at anu pa, natulog uli ako.

Sinubukan ko uling sumandal sa mabait kong katabi pero sapak lang ang inabot ko. Di ko na uli sinandalan. Tampo na me. Maya maya lang ay,…

zzz

zzzz

….

Maya maya lang ay nasa Diliman na kami. Akala ko ay bastang kalsada pa rin yun pero UP premises na pala. Dumating kami dun ng mga alas dyes ng umaga. Ang tagaaaaaaaal ano. Sabi din ng mga nakararaming titser na naimbyerna dahil sa pangit na sila pagdating ng Maynila. Hala, konting retouch at wow, ready to kiss na ulit ang magaganda naming teacher. Pumasok kami sa isang building na ang buong pag aakala ko ay kinaroroonan ng room para sa seminar. Pero betchibaygali waw, teatro pala yun. At dun na mismo ang seminar. Pumila kami sa isang medyo maikling pila na maya maya pa ay humaba. Narinig ko ang Manila girl na committee na sumigaw. “please fall in only one line, we are all civilized people here.” Wow nice lines kaso, pagtingin ko ay kami pala ang nakapila sa linyang baluktot at samin nakatingin. Shet, kelangan pang lumipat. After ten years sa pila ay inabot na naming ang stub para sa raffle, at para sa libreng bag. Pagpasok, Wow, parang sinehan, at air con pa talaga. Pero aircon lang ang naenjoy ko kasi wala nang upuan at sa monoblock na ako nakaupo imbes na sa natayun tayong upuan na tulad ng sa sinehan. Makalipas ang isang oras ay may mga nakaramdam ng gutom at kumain muna, ako, punterya ko talaga ang magagandang upuan. Kaya inakit ko ang aking kasama sa malalambot na upuan. Pag mamalasin nga naman o, ayaw nya lumipat, may regla ata at takot tagusin. Hay, palibhasa sa maganda sya napaupo. Natapos ang umaga na naglalaway pa rin ako sa mga upuan na iyon. Lumabas na lang kami at kumain, miss ko na ang mga nilabon kong saging.

May manok pa palang padala ang aking nanay nanayan kaya masaya akong kumain sa likod ng van. Ayaw kumain ng kasama ko, ganun talaga ang mga meron, maarte. Pagkatapos papakin ang manok dahil sa kakulangan ng kanin, ay tinagpas ko na ang balat ng mahal kong nilabong saging. Hay, kumpleto na ang araw ko, seminar na ulit. Pagpasok sa loob, ay naupo agad ako at nilasap ang mga malalalambot na upuan, haay sarap. Masaya kong tinulugan ang mga sumunod ang speaker hanging sa marinig ko ang pangalan ng aming school.

Uy! May nanalo sa raffle!! Sana ako, sana ako,.. hindi pala, yung isa kong katabi. Nanalo sya ng t-shirt. Bigla naming nagintermission ang anilay isang rising star in the making, nung magperform sya ay umapaw ang teatro sa kayabangan at kahanginan nya. Sus ko!!! Nagtilian ang mga babae dahil sa panloloko sa kasama nila sayo, na labis na ikinahiya ng kawawang dalaga, hindi sa kagwapuhan mong taglay! Nagnakaw pa ng halik ang ewan. Pag layas ng epalog na singer ay nagsimula na uli ang seminar. Ako ay inaantok na kaya umalis na rin ako, ako na lang kasi paggising ko, wala na naman ang kasama ko, went bye bye with the wind na. Nagutom ako kahit ubos ko na ang nilabon kong saging. Naalala ko na di ko pa nakukuha ang snacks ko, hahah dalawang brownies ang kinita ko sa harap ng building. Masaya kong kumain habang tinatarayan ang mga kasama kong nangiwan uli. Paalis na pala, punta daw sa mall gusto ko na umuwi, hay.

Dahil malapit, sa Trinoma kami nag mall para sa free time. Dahil bugnot, pagod at gutom, ay gusto ko na talaga umuwi. Hindi ako nakapaglayas ng maayos dahil sinundan ko lang ang mga kasama ko. Takot kaya ako mawala. Aba, wala ako pamasahe at baka mamalimos na lang ako habang buhay pag naiwan ako dito. Ang mga bruha naman ay nag uli at tumingin sa mga damit pambabae. Hay buhay nga naman, ayako na umuwi na tayo. Patatlong beses na kayong dumaan dito, patatlong beses na rin kayong namangha sa damit na yan. Mahal ang mga bilihin dun, ultimong panyo, mahal pa sa damit. Grabe buti na lang wala akong pera para wala ako magastos. Maya maya pa ay nag sigawan… aaaaaaaaaaaah, sunog? Bomba? Ano?! May foreign artist pala sa mall nay un sa eksaktong oras na kami ay nandun. Boys like Girls ang pangalan ng banda. Nanuod pa ang mga kasama ko kaya ako ay lalo pang nainip. Matapos mag-ubos ng boses kakasigaw sa mga kanong manunugtog ay sa wakes umalis na rin kami. Malamig na sa labas at gutom pa din ako. Inalok nila akong kumain uli sa Jollibee pero tinangihan ko na. bahala kayo sa buhay nyo.

Uwian na, isang kasama sa van ang lumipat sa kabila, lumipat din yung katabi ko, walastik talga, dalawang chimay na antukin ang nakatabi ko, ambigat ni ate, pag alis naming ng alas nwebe ay natulog na lang ako hangang sa makarating sa Lucena. Dating iksena, tatayun tayung ulo, at kakarug karug na bintana, nakakangawit. Dumating kami sa Lucena ng mga ala una ng madaling araw. Sa wakas, dalawamput apat na oras ding naantala ang tulog ko. Pagbaba ko ay wala na ang imbyerna kong kasama, nakauwi na siguro. Madaling araw na naman at maglalakad na naman ako sa madilim na kalye ng Merchant. Kung sino yung aso at lasenggong narito kahapon ay narito pa rin at nakaabang. Pag dating ko sa dormitory, nakalock ang gate. Wow talaga, walang nagbubukas, kumatok ako ng kumatok na kulang na lang ay masira ang padlock na matigas pa sa ilong ni superman. Matapos ang isang oras ay pinagbuksan din ako. Dumiretso ako sa taas, naghubad ng sapatos, walang sipilyo, nahiga at natulog. Wala akong pake kung langgamin ang bag ko dahil sa balat ng nilabong saging, gusto ko lang talaga matulog. Sa haba ng pakikipagsapalaran ko sa Maynila, Isa lang ang masasabi ko, Sayang talaga yung laptop at MP4 kong inasam asam. Next year ulit sana may pera na ko. Haaay….

ZZZZZZZ

Tol!

Tol!

Gising na, akala ko ba may field trip kayo, bangon na dyan, wag ka maliligo, baka mapasma ang kamay mo. pagod yan kakabalasa kagabi!!

wahahaha!!

Advertisements

About palab0y

I'm just a Computer Science student finding his way into the internet when suddenly he encountered different blog sites and had the interest to have his own one.

Posted on September 8, 2008, in social and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink. 5 Comments.

  1. HAHAHAHA. alam mo sa dinami dami kong na blog hop ngayon, itong post mo ang talagang hinalakhakan ko. walang ere at totoo. marami ang nagsusulat na kitamo namang pancharing lang ano?

    matutulog akong nakangiti dahil isinama mo kami sa isang field trip na nangyari nang paulit ulit noong nasa iskul pa ako.

    yehey. ang ganda ng post mo.

    isa sa mga namimiss ko ay ang nilabong saging. sarap ng may condens yan!

  2. noong college ako, magkacrash kami sa bahay ng isang brod ko magtotong its magdamag. Pagdating ng umaga, matutulog lang kami. walang kama, sa lapag na kaming lahat. naalala ko lang. 🙂 napakaganda ng blog mo.

  3. Linked you! hope you do the same…
    Well, parang parehas lang ang pag solve ng 2x2x2 pero ang difference is CORNER pieces lang ang 2×2, unlike 3×3 na may middle at edges…
    So ,try mu lang visit to: (I recommend this site)
    http://www.rubikstudio.hu/angol/pages/2x2x2eng.htm
    Kung hindi mag work, google mu na lang…
    ge bro, continue blogging, I’ll spread your site…^_^

  4. damang-dama ko ang espiritu ng pagiging isang tunay na MG. wala na akong ibang masasabi kundi napaka-ganda at napaka-makakatotohanan nito. at ang lahat ng ito’y pinag-daanan ko na rin…sana’y maging inspirasyon ito sa mga mambabasa..

  5. Astig bro. naaalala ko din ung pagiging MG ko before.
    Keep blogging! Nice blog.
    tnx for visiting my blog.
    Regards to all MG.
    God Bless!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: